Results 1 to 10 of 29
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- May 2010
- Posts
- 20
November 7th, 2010 07:09 PM #1mga bossing andito uli ako.
nagpalinis ako kanina ng karburador, kasi may "pagkaburubok" ang minor. yun bang "pupugak pugak" sensya na ha, ito kasi ang mga words na alam ko pag may problem ang idle. kung tama Erratic or Engine hesitation.
so bale nilinis kanina, yung karburador ko malinis naman daw, tapos kinabit na, sa una nai-adjust or tinimpla, ayun parang nag ok naman. pero palibhasa, hapon na naiuwi na namin, pero parang lalong lumitaw ang pagka-erratic nya. yun bang nasa 1st gear ako, tapos syempre dahan dahan lang ang bitaw ng gas pedal, kakadyot kadyot na.
nung bago ko paayos, mababa ang reading ng RPM siguro nasa .5, ang alam ko kasi dapat napalo yun ng almost 1k rpm to 1k rpm mismo.
kapapalit ko lang ng spark plugs, lahat nitong nakaraang lunes, so confident ako na hindi spark plug.
tsaka kapansin pansin ang takaw ng gasolina nya.
mga bossing, ano ba sa palagay nyo ang dapat kong ipatingnan?
suspect ko na rin air cleaner tsaka fuel filter. tapos naiisip ko ring suspect ay distributor at HTW.
wala kasi ako kilalang certified mechanic, dyan lang ako sa tabi tabi, kamag-anak ng aking misis, magaling naman daw.
umuwi ako ngayon na masama loob kasi hindi maganda takbo ng sasakyan namin.
-
November 7th, 2010 08:11 PM #2
try also to visit
sentraclubph.tk , clubnissansentra.tk , nismoph.tk sir.
-
Tsikoteer
- Join Date
- Nov 2009
- Posts
- 456
November 7th, 2010 09:37 PM #3*sp0urt1er
Palinis mo yung air filter element, kung madumi na ito mahihirapan huminga ang makina. Palinis mo din yung idle air control valve. Kung hindi pa din nawawala yung erratic idling ipa-check mo yung oxygen (O2) sensor at ignition coil.
-
November 7th, 2010 10:09 PM #4
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- May 2010
- Posts
- 20
November 8th, 2010 02:11 PM #5update ko lang, napalinis ko na air filter element pero hindi ganun kadumi in the first place, kaso till now may pagkaburubok pa rin sya. 1st at 2nd gear na lakad tao parang mag-stall, yung parang mamatay at parang kapos.
tapos parang matagal bumaba minor pag bibitawan ko gas pedal, may oras na pino ang takbo, tapos buburubok uli, pag rerebolusyon mo naman, mag ok uli, pero mostly may pagkaburubok.
*civic papatingnan ko rin yung idle air control valve, tapos update ko dito, ang siste kasi iisa lang yung alam kong mekaniko na hindi ako lolokohin eh, kaso nga lang, lagi pila gawa nya, kelangan ko pa makatsempo ng walang gawa.
*ghosthunter, di ko kabisado modelo nitong sasakyan ko pre eh, basta alam ko may karburador. nung pinalinis ko nga karburador malinis pa rin in the first place eh.
so bale suspect na lang dito is:
-idle air control valve
-Contact Point or Distributor (ano pinagkaiba nila?)
-high tension wires
so far ang nalinis na ay:
-karburador
-Air filter element
-yung mga hose na nakakonekta sa karburador at air filter nasa tamang lugar naman at maayos pagkaka-kabit
-bagong spark plug (NGK) binili last tuesday, di ko lang masabi kung orig or japeyk, pero sa trusted store ako bumili worth 350 pesos yata nung binili ko apat na yun, kanya kanyang box.
-
Tsikoteer
- Join Date
- Nov 2009
- Posts
- 456
November 8th, 2010 03:40 PM #6Since naka carburator pa ang makina, kargahan mo muna ng ethanol free na fuel next time mapadaan sa station. Petron Blaze, Total Protec, at ilang UniOil gas stations meron pang gasoline na walang halo. Then observe kung mag improve ang performance.
-
Tsikoteer
- Join Date
- Jan 2005
- Posts
- 445
November 8th, 2010 05:56 PM #7To TS,
Kung pede pang sumingit,
Kung ina iba ang idle nya, something is wrong with the fuel system, kung ako sayo gagawing ko, pababa ko muna tanke, linis, palit fuel filter, palinis carb ulit (inspect mo rin ung float ng carb baka may hairline cracks or maladjusted ung clearance nya also check for vacuum leaks. Pag na tanggal mo na ang fuel system as suspect chaka natin tingnan ung electrical.
-
November 8th, 2010 06:09 PM #8
Maybe ethanol-gasoline (E10 gasoline) eroded the idle needle of the carb?
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- May 2010
- Posts
- 20
November 10th, 2010 07:40 PM #9mga bossing,
update lang, yesterday, burubok pa rin kung tumakbo, tapos matagal bumaba minor pag binitawan mo gas pedal, para pating naaagad ang pagkakambyo gawa ng matagal na pagbaba ng minor.
lumipas ang isang araw, kaninang tanghali actually, nai-start ko, sobrang baba minor, nasa .5rpm, nirerebolusyon ko, pag binitawan ko gas pedal, bumababa pa rin sa .5rpm, hangang sa mamatay ang makina, inistart ko flawless naman ang start, pero mababa pa rin syang magminor, .5rpm pa rin, syempre binitawan ko pa rin gas pedal at inobserbahan, siguro naka limang ulit akong nagpastart ng makina. then huling start ko, biglang naging normal ang minor, nasa 1000rpm na which is ito yung regular kong reading sa rpm para sa minor. tapos ginamit ko, inobserbahan ko, so far walang stall or engine hesitation, walang burubok. palibhasa maulan kasi ngayong araw na ito, hindi ko masabi eh, pero so far bumalik sya sa normal. since yesterday, nagpagas ako ng unleaded sa petron, sana nga since palibhasa nakapagpagas ako ng shell v-power which is hindi compatible? sa carb engines. ano sa palagay nyo mga bossing?
obserbahan ko pa rin sa mga susunod pang araw, pero sakali man mga bossing, pag sinumpong uli ng burubok, ano kayang posibleng dahilan?
salamat sa inyong mga reply mga bossing.
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- May 2010
- Posts
- 20
November 20th, 2010 11:37 AM #10update lang uli mga bossing sorry to bump this up.
so far aaminin ko hindi ko pa napapaayos itong problema ko sa kotse ko.
kahapon, may nangyari uli, mag start sya, pero yung minor kulang bumababa until mamatay ang makina, pero madali naman i-start ang makina, siguro naka-ilang beses akong pa-start ng bumababa ang minor. hangang sa tumakbo ng normal, pero actually hindi normal eh, mataas ang minor nasa 1.5k ang rpm.
mga bossing kaya hindi ko pa mpa-ayos ito, eh ayaw ko kasi sa mekaniko na isang parte lang yung titingnan, gusto ko sana, kung may komunikasyon ang isang parte ng sasakyan tingnan na rin para isang gawaan lang.
kumbaga nawalan ako ng tiwala dun sa huli kong pinagpadalhan nitong kotse ko.
that may be, but we all got plastic, young and old. we asked the lto guy, "papel ba po, o...
Driver's License Renewal Process?