good day guys, ano po pilot jet ng 4k engine nyo? yung saken po kasi palyado ang menor parang putol-putol ang andar. at ang air screw ay sobrang luwag na, tama lang na hindi matanggal sa vibration, kasi kung hihigpitan ko pa kahit konte lalong wala na ako menor, namamatay na lang.. so pinagtyagaan ko na lng yung palyadong menor nung una.. peo kanina ay muntik na akong mabangga kasi diba po konektado sa manifold yung brake booster, pag namatay makena nawawalan ng preno... grabe takot ko nung palusong patay na pala makena ko... buti naagapan ko pa...

#46 po yung pilot jet ng 4k engine ko sa owner type jeep, ano po ba yung gamit nyo? pag hinigpitan ko pa kasi umuusok na ang tambutso ko, kaya sobrang luwag lang ito para hindi mausok at may menor pa konte kahit papano pero palyado naman... pag konteng bigat lang apak mo sa gasulinador, humahagok at naghihingalo kaya dapat apak mo meju may diin para hindi hahagok... jetting ko para kompleto impormasyon #46 ang pilot jet, 110 ang primary at 150 ang secondary.. salamat... pls ideas naman po...

bagong linis po carb ko, bagong top overhaul na rin, spark plug ko kulay white lahat... walang kalangis-langis or oil deposits kasi almost 1 week pa after top overhaul...