kailan po pinapalitan ang pcv valve?
kapag nag bara lang... usually pag nag bara yan mag pop-out yun oil dip stick or magkakaron ng mga oil leaks sa valve cover due to engine pressure build-up caused by blow-by gasses...
tangalin mo tapos alugin, pag may rattle pwede pa pero pag puno ng gummed wala ng rattle tapon nayan. Noon hindi uso ang PCV valve nere-release lang yan sa labas ng makina, pero ngayon nagkauso na dahil may polution control na tayo kaya sinusunog nito sa cylinder ng kotse. Ang PCV valve ay nagre-release ng pressure sa crankcase dahilan sa blow-by gasses, pag barado yan putok ang mga oil seal at sisingaw na parang VOLCANO.
mga sir, related question lang.
kapag may leak around the pcv anu mainly yung cause? yung hose from pcv connected papunta sa charcoal canister yata yun. binuksan ko na may rattle naman. meron din isa pa tube pabalik naman sa intake, may leak din.
kapapalit din lang ng pcv 2 years ago nung mag 80k yung odo.
ngayon nasa 125k na. kailangan na ba palitan?
Yong hose na sinabi mong parang connected sa charcoal canister ay Manifold vacuum fitting yan ay nasa likod ng BBD at pulls air na galing sa crankcase at palabas sa PCV valve at didiretso doon sa intake manifold.
Yong leak naman. Pag may leaked around the pcv valve ang mainly na problema niyan ay yong dalawang grommet na isa sa PCV valve at sa intake breather hose magkasamang yan dalawa. Dahil ang mga iyan palaging exposed sa init ng makina, hot oil sa loob ng valve cover natural na lalambot yan o di kaya makaroon ng kunting crack kaya nakakaroon ka nang leak sa grommet. Hindi nga sira PCV mo pero sira na ang grommet niya, palitan na iyan both the PCV and the breather should fit tightly.
it can be cleaned, but its very affordable naman for a new replacement.
Sent from my SM-G935F using Tsikot Forums mobile app
salamat po mga reply.
Sent from my HUAWEI KII-L22 using Tsikot Forums mobile app
Ingat ka lang sa pagbili ng pcv valve baka mabentahan ka ng low end na brand usually circuit, if sakaling bibili ka ng bago either go for the original if okay lang sayo price if not meron Japanese replacement brand named Sankei pero double ingat dahil madami fake ang Sankei.
about sa pcv valve misan ko lang ito marinig mag rattle nomal lang ba itoo??![]()