1. pahangin mo mga goma mo ng 31 PSI
2. palitan mo ang air filter mo, o kaya palinis mo.
3. pa check mo yung timing at clearance ng mga barbula, major tune up ang tawag dito
4. bagong spark plugs
5. pacheck at overhaul mo na di yung carburador
6. pa check mo mga brakes/preno... baka dumudikit kaya todo piga sa gas para umarangkada
7. papalit mo na automatic trnasmission fluid baka luma na at hirap na maghanap ng gear.
8. next time gamit ka ng medyo malabnaw na langis. yung 10w 40 na honda maganda, mura pa from the casa mismo. malapot masyado ang 20w-40
mas malakas talaga sa gas ang matic na 5K. hindi kasi sya gaya ng mga bagong kotse ngayon na kuntrolado ng computer ang transmission... yung sayo talagang hydraulic pressure talaga, old school walang compu computer.
wag mo sana masamain, pero sana nag kia pride na matic ka na lang... medyo malakas din sa gas pero at least you get aircon as standard. mura din naman, marami piyesa, at di naman gaano sirain.