New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Results 1 to 6 of 6
  1. Join Date
    Jan 2015
    Posts
    22
    #1
    93 Sentra B13 ECCS, MT. Patulong sana ako mga sirs malaman kung ano ang puno't dulo nitong problem.

    Pinarepair ko yung radiator ko sa Aurora Cubao (Arnel Jin) kasi may leak sa ilalim. Hininang yung rad, wala na leak. Nung kinakabit na, yung auto nakapark sa hindi patag, slight nakaangat yung sa pwetan at slight nakadaosdus yung nose. Lagay siya ng tubig+coolant, pinastart niya engine at napansin niya lakas daw ng pressure sa tubig. Pinacheck niya temp, ang taas, overheating na sa gauge. Patay makina, tapos pinapark niya sa patag. Lagay siya ng tubig dun sa rad hose going to the engine tapos hinipan/binugahan niya. Back to normal temp.

    Pagtakbo ko after good 30mins (AC on), umakyat lagpas half yung temp. Patay ko engine, pati AC. Bumaba temp. On ko AC, umakyat ulit. Patay ko AC, back to normal. Diretso ako mekaniko, sabi niya baka high pressure daw AC. So punta ako AC shop, hindi naman daw high pressure, baka sa radiator daw. So punta ako ibang rad shop, malakas daw yung pressure at bumubula yung tubig sa radiator, sa makina na daw. So balik ako sa mekaniko, kinompression test, 150 lang yung 3rd valve. Top overhaul daw kasi bumubula yung tubig sa radiator at mababa yung score sa 3rd valve. Tinanong ko siya kung bakit nagkaganun, most likely daw effect yun ng overheat.

    Nagtataka lang po ako kung bakit siya nagoverheat in the first place, dahil ba dun sa pagkapark nung nilalagyan ng tubig? Or dahil na yun sa engine issue? Wala naman siyang overheating problems prior to radiator repair. Kakapaoverhaul ko lang din yung rad last month. Gumagana naman yung aux fans ko. Iniisip ko kasi na baka kahit matop overhaul, magoverheat pa rin at di pa rin masolve problem. Thank you sirs sa mga maglalagay ng inputs.

  2. Join Date
    Jan 2015
    Posts
    468
    #2
    same tayo ng problema,

    ung pagkasira ng radiator mo eh dahil sa pressure ng system mo.

    pinagawa mo, umayos ang radiator aqt ayun bumubulwak ng tubig.

    kung yung tubig lang ang issue, top overhaul. pero dahil sabi mo mababa ung 3rd cylinder, mapipilitan kang magpageneral overhaul. pati piston ring palit, sama na machine shop.

    kung hindi ako nagkakamali, maganda makina ng nissan (same with my FE), may cylinder sleev siya kung hindi din ako nagkakamali na kesa irebore mo, palitan mo na lng ng bago at OEM spec na rings.

    HTH.

    - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

    same tayo ng problema,

    ung pagkasira ng radiator mo eh dahil sa pressure ng system mo.

    pinagawa mo, umayos ang radiator aqt ayun bumubulwak ng tubig.

    kung yung tubig lang ang issue, top overhaul. pero dahil sabi mo mababa ung 3rd cylinder, mapipilitan kang magpageneral overhaul. pati piston ring palit, sama na machine shop.

    kung hindi ako nagkakamali, maganda makina ng nissan (same with my FE), may cylinder sleev siya kung hindi din ako nagkakamali na kesa irebore mo, palitan mo na lng ng bago at OEM spec na rings.

    HTH.

  3. Join Date
    Jan 2015
    Posts
    22
    #3
    Thanks sir RomeoAlpha sa inputs. Naging problem niyo rin pala yung ganun, ang hassle talaga. Isasama na daw ng shop yung machine shop dun sa gagawin para maaddress yung sa 3rd cylinder.

  4. Join Date
    Aug 2014
    Posts
    130
    #4
    na-bleed ba sir yung air sa coolant system magka air block yan.

  5. Join Date
    Jun 2010
    Posts
    321
    #5
    baka nga may air lang kasi noong nilagyan ng tubig naka subsob, try mo munang bleed yung air out, angat mo yung front end ng kotse mo saka refill ng tubig, squeeze mo yung lower at upper rad hose para lumabas ang hangin sa engine block pero dapat nasa normal oeprating temp.na yung engine para nakabukas na yung thermostat, check mo din baka stuck closed yung t.stat kaya malakas ang ang pressure.

  6. Join Date
    Feb 2009
    Posts
    5,130
    #6
    Most of Nissan cooling system bleeder screw will have a gold in color steekerr slightly larger than a SIM card adjacent to the thermostat housing. The hex head of the bleedur is 10mm. Run the engine until it warms up and loosen this screw(do not remove) and observe the air purging. Once only coolant leaves through this bleeder secure the screw.

Tags for this Thread

Overheat after Radiator Repair Leak