New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Results 1 to 7 of 7
  1. Join Date
    Jan 2012
    Posts
    18
    #1
    mga guru's dito tanong ko lang po sana kung top overhaul na ba kung may mga senyales na mga ganito:

    Corolla 90 2e engine 12valve
    1. medyo nagbabawas ng langis pero konti lang
    2. nagbabawas ng tubig sa radiator pero may laman naman yung reservoi ko
    3. pag binuksan ang rad cap may mga bula
    4. sparkplugs ko may konting langis (wala lang sa tip, pansin ko lang mabilis magkaroon ng carbon deposit)
    5. ayos naman manakbo kaso pag lumampas na ng 100kph pansin ko sa likod nagbubuga nang puting usok kaya maintain ko lang ng 80 to 90 kaso minsan ng jejerk gusto lang nya bombahan mo ng gas para hindi pumalya.

    Ang sabi ng mekaniko ko ay top overhaul na daw kailangan. 5k daw lahat labor and parts, tinanong ko siya kung toyota genuine parts ang gagamitin oo daw at hindi ko lang sure kung kasama na ba ang machine shop kung meron ipapamachine shop. Location ko po imus cavite pero bandang binakayan yung area ang shop ng mekaniko ko. baka meron pa po kayong info sir at matulungan ninyo ako or baka may iba pa kayong mairekomenda na shop banda po sa cavite. salamat

  2. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    15,528
    #2
    yup, top overhaul na nga.... since kailangan palitan mga seals.
    parang mura na yung cost...

  3. Join Date
    Jul 2010
    Posts
    570
    #3
    3,500 lang top overhaul hindi kasama ang headgasket at valve seals. Tanong ka lang sa mga auto supply kung magkano ang isang valve seals at multiply mo 12. Then tanong ka na rin ng headgasket dahil talagang papalitan iyan every baklas ng cylinder head.

    hindi aabot ng 5k iyan at mapili mo pa yun genuine parts na bilhin mo.

    Be sure mabantayan mo na malinisan mga carbon deposits sa valve seats. Hindi kasi perfect ang pagsara ng mga valves pag may dumi ito. Cause ito ng loose compression pag hindi ito nalinisan. Sayang lang ginastos mo.

    Ito very important.

    Tutal baklasin na cylinder head ay makina mo na mga status ng cylinder bore mo. Top most portion ito ng bore malapit sa headgasket.

    Dapat walang lubog or gasgas katulad ng nasa picture. Kailangan pa re-sleeve at rebore into standard uli ang mga cylinder para perfect uli ito at mawala ang loose compression or puting usok at 100kph. Takaw sa fuel ang loose compression.


  4. Join Date
    Jan 2012
    Posts
    18
    #4
    salamat po sa mga info sir. tuloy bukas po yung pag pa top overhaul at sana walang lubog o gasgas sa mga cylinder nito. salamat sa mga info's mga guru. update ko nalang kung ano ang resulta.

  5. Join Date
    Jan 2012
    Posts
    18
    #5
    natapos na din mga master hapon mga guru. bale ang ginawa ung cylinder gasket, seals at piston ring kasi umaalog na raw (may clearance na) inabot rin ako ng kulangkulang 10k kasi dinukut.

    sa ngayon break in period mga guru. hangang 60 lang ang takbo ang sabi 2days ko gamitin na 60 lang ang takbo pagkatapos daw nun ok na raw hatawin ulit.

  6. Join Date
    Jul 2010
    Posts
    570
    #6
    So. Ayos na. Buti hindi umabot sa machine shop.

  7. Join Date
    Jan 2012
    Posts
    18
    #7
    opo buti walang machine shop baka raw aabot ng 20k pag ganun. salamat chinoi

Tags for this Thread

need help: top overhaul