Quote Originally Posted by reym View Post
Hi There,

Patulong naman guys, ung owner jeep ko, toyota 4k di ko na pansin naubos pala langis. Byahe ko mula las pinas papunta bulacan, mga less than 1 km from my home pinatay ko engine, angbagal ng crank nya, tinulak sya ng tambay pero mejo matagal din bago nag start. Nung nag start nakita ko nasa - ang ammeter ng battery di nagkakarga. Meron naman sya oil pressure, kaya lang kinabukasan pag bukas ko makina ang dami langis tapos ung dip stick wala ma detect na langis. Sira na kaya makina ko?
magulo, bossing.
una, bakit mo sinabi sa unang linya, na pansin mong naubos langis? meron naman palang oil pressure, at daming langis nung binuksan mo makina. hindi naman ibig sabihin na porke wala nang makitang oil sa dipstick ay tuyung-tuyo na ang makina. bakit hindi mo lagyan ng langis at pa-andarin at tingnan kung may pagbabago ng andar.. sa tingin ko, ay kung sunog na ang makina mo dahil na-ubusan ng langis, ay hindi mo na mapapalala yan kung pa-andarin pa nang kaunti.
nguni at sa tingin ko, weak battery lang ang problema mo. siguro kuneksiyon sa alternator lang. siguro alternator ang problema. mura naman siguro ang surplus alternator niyan...