New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Results 1 to 6 of 6
  1. Join Date
    Sep 2013
    Posts
    55
    #1
    97/Lxi/honda

    hi mga sir ano po ba ang magandang gawin? nag overheat po un kotse ko tapos napsukan po ng tubig un langis ng auto ko..sabi po ng mekaniko namin need ko mag palit ng cylinder head gasket and change oil..mga ilan bses dapt mag change oil?

  2. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    10,820
    #2
    Di lang palit head gasket yan. Pwedeng warped na ang cylinder head and/or engine block kaya humalo ang water sa oil. Pa-check mo sa magaling na machine shop dapat ang engine block and cylinder head. Baka mas mura pa na change engine ka na lang kasi once nag-overheat at humalo ang water sa oil e machining na ng engine block and palit cylinder head na, or else paulit-ulit lang mangyayari yan mixing ng water and oil. At panay na din ang overheat.

  3. Join Date
    Feb 2008
    Posts
    5,179
    #3
    Agree, kung bengkong na hangang block, Palit engine na lang. Most probably head and block na yan since naka pasok na tubig. Madali machine shop ang block pero kung pati head kailangan ng shave baka umuntog na valves sa pistons... Mas malaki problem.

  4. Join Date
    Jul 2010
    Posts
    570
    #4
    Pa check mo muna mabuti sa machine shop yun cylinder head engine block. Kung talaga warped na ito. Baka naman nag overheat yun engine kaya nasira ito. Pwede rin mumarahin headgasket ang naikabit kaya nasira kaagad or mali pagka-install. Mas mura kung pa repair mo yun dating engine.

    Magastos kasi .ang change engine. Kwentahin mo magkano yun surplus engine, Labor ng mechanic na mag install, Registration ng Change Engine at syempre dagdag rin yun cost ng parts para General Overhaul ng nabili mo na surplus engine.. Bibigay din kaagad ang engine na ginamit mo na hindi ito na general overhaul. Gastos ka naman kung nasira kaagad ito.

    Nangyari na sa akin iyan. Kaya natuto ako mag diy rebuild ng una ko sirang engine. Ibinenta ko na lang uli yun nabili ko na surplus engine.
    Last edited by Chinoi; September 16th, 2013 at 02:10 AM.

  5. Join Date
    Sep 2013
    Posts
    55
    #5
    after ma trace ng punta po kmi ng banwae para bumili ng materlias na ggamnitin.inbosereve po nmin takbo ng kotse wla nman tunog or klampag tahimik po un makina..cge mga sir salamat sa mga advices and tips big help ill update you pag pinagawa ko this week..

  6. Join Date
    Sep 2013
    Posts
    55
    #6
    Mga sir ok na po si honda, fortunately wala pong sira un mga block sabi po ng mekaniko gawa po sa alloy un block kaya pag lalong umiinit lalong tumitibay un raw po un mga ginagwang mags kaya hinde basta- basta bumibigay or nabibiyak..slamat po sa input nyo.

Tags for this Thread

napasukan ng tubig