New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Results 1 to 3 of 3
  1. Join Date
    Sep 2007
    Posts
    40
    #1
    Good Day to all tsikoters ask ko lang any advice sa mga gurus dito...ang problem ko nagbabawas ng langis ang kotse ko nung february this year lang pinatingin ko sa mekaniko sabi valve seal so pinalitan namin and then after 1 and a half month nagbabawas nanaman..so tiningnan namin sa tambucho medyo may konting puting usok at amoy nasusunog na langis...parang estimate ko every month 1 liter of oil nakokonsumo ng kotse ko pero ung takbo naman nya ok pa naman at di naman me tinitirik... at ang calculation ko sa fuel efficiency ko ay 8.2 to 8.5 liters per kilometer...tapos humingi me ng advice sa isang frend kong may alam sa makina sabi nya maaring piston ring ang palitin...pag piston ring po ba overhaula na ba yun o top overhaul lang??? by the way my ride is Mitsubishi Lancer EL pizza pie type, 98 model...thanks in advance sa mga advice nyo po and more power sa inyo....

    at baka may marecommend kayong matinong mekaniko within malolos, bulacan or nearby area po salamat po...

  2. Join Date
    Apr 2008
    Posts
    537
    #2
    piston ring na nga ang sira nyan kasi maluwag na kelangan ipa dukot mo na yan pero sana dukot lang ang talaga ang gagawin dyan dahil kung may iba pang sira yan katulad na lang ng mga friction or gas sa mga shaft at shims bearing nyan malamang almost general overhaul yan dahil yun mga may friction na sinasabi ko yun iba kelangan palitan tapos yung iba naman kelangan ipa-machine shop para maging standard ulit ito at mawala ang friction.

    pero hindi mo naman agad agad makikita ang mga friction kung hindi pa binubuksan ang makina, kung nabuksan naman na ay wala naman friction ang mga nabanggit kong piyesa ay suwerte mo kasi dukot piston na lang yan pero hindi naman magiging success ang pagpapalit mo ng piston ring kung hindi mo ipapa machine shop ang vavle port ng cylinder head mo.

    maige nyan mag canvass ka muna kung magkano ang labor dukot piston at kung sakaling may mga gasgas ang mga nasabi kong piyesa, syempre tanong mo na rin kung magkano ang makinang surplus baka mamaya nyan sa dami mong napalitan na piyesa sa makina mo ay nakabili ka na ng makina na kapalit.

  3. Join Date
    Sep 2007
    Posts
    40
    #3
    salamat sayong mga tips sa ngayon naghahanap pa me ng matinong mekaniko at ipon ng pang repair salamat and God Bless sayo

Nagbabawas ng Langis ang Mitsu Lancer Pizza Pie type