New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Results 1 to 15 of 15
  1. #1
    di ko sure may thread na ganito, pero start nalang ako ng bago.

    ganito, may owner-type jeep kami dito sa bahay..ang makina nilagay ng pinsan ko noong inasemble nya ito is toyota 3AU.ang takaw sa gas nito, pero di na sana ito papalita pero, kumatok ung makina due to oil pump failure...so we decided nalang to change the engine rather than overhauling it.

    so my problem is

    if we were to change it to a diesel engine, anu ilalagay ko na tamang-tama lang at hindi kamahalan? ang use lang naman ng owner ay light service(pag-nagcacanvass ng parts, etc.) at pang shopping lang ng paninda sa divisoria..

    we're opting for a toyota 2c engine. mitsubishi's 4d55/4d56 may be too big and powerful or too exensive..

    isuzu.. c180 ba un?or c240..?

    magkano kaya estimate sa cost ng engine na ganito?

    anu more suggestions?

    another question: is it cheaper to buy surplus engine with it tranny or just its engine?...ang problem din kasi baka di match na ung tranny nito pag pinalitan na ng diesel engine

    thanx....

  2. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    1,219
    #2
    isuzu c240, orig engine daw ng original hilander series. lakas hatak, bagal nga lang sa arangkada.... kung gusto mo salpakan mo ng 4jb1... kahit isang barangay ikarga mo sa honer-type jeep mo, kaya nya hatakin...pang isuzu Elf mini truck yun

  3. Join Date
    Aug 2005
    Posts
    460
    #3
    igan suggest ko lang kung light duties lang gamit owner mo, stick to gasoline engine ka na lang. mas madaling maintain, tahimik pa at di gaano mavibrate makina mo.

  4. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    2,470
    #4
    RF na lang isalpak mo. di magastos sa maintennance. yung 2.2 or 2.5 diesel is around 15K to 20K lang. RF1 (2.2L) ang present engine ng Minicruiser ko. Tahimik at matulin. Mileage is 10-11km/L city driving and a whopping 13-15km/L sa hiway despite the heavy weight of my jeep.

  5. Join Date
    May 2005
    Posts
    8,077
    #5
    igan suggest ko lang kung light duties lang gamit owner mo, stick to gasoline engine ka na lang. mas madaling maintain, tahimik pa at di gaano mavibrate makina mo.
    I truly agree on this ..dami naman mga gas fed engine na kayang kaya ang body ng owner jeep ..and you mention also na pang canvass lang nag parts naman at pambili lang sa divisoria ..kaya pasok na pasok na sa iyo kahit 4K engine try mo na din look ng 5 speed ang tranny ..package deal nga pala pag bumili ka ng engine at tranny


    bRo ..

    avoid mo ang mga C-240 (ginawa namin ito nilagay din sa owner ..parang pinupunit ang engine bay sa sobrang laki pag my vibration or tumakbo na ) patay ka pa sa maintenance ng diesel lalo na surplus engine iyan

  6. #6
    cant kasi parang service na ito ng mekaniko namin kung kelangang bumili ng parts ng truck namin..

    di naman ito personal use kasi..kaya diesel na din gusto kasi mas mahal na gas, right? ung other maintenance madaling pag-ipunan, e ung fuel, hindi,e.....

    anywayz thanx! suggestions pa,pls?

    RF? mazda diesel engines po ba ito? eto ung nakakabit sa mazda pick-ups ng 90's?
    Last edited by alwayz_yummy; September 19th, 2005 at 06:55 PM.

  7. Join Date
    Aug 2005
    Posts
    460
    #7
    Quote Originally Posted by alwayz_yummy
    cant kasi parang service na ito ng mekaniko namin kung kelangang bumili ng parts ng truck namin..

    di naman ito personal use kasi..kaya diesel na din gusto kasi mas mahal na gas, right? ung other maintenance madaling pag-ipunan, e ung fuel, hindi,e.....

    anywayz thanx! suggestions pa,pls?
    baka ung matipid mo sa gas triple naman ang magastos mo sa maintenance. Remember surplus diesel engine ang pinag-uusapan natin. Ang bigat sa bulsa pag nagloko injector/inj pump at kelangan mo magpacalibrate. sa gasolina 4k/5k maning mani ang pyesa.

  8. #8
    pwede din ganun nga mangyari nun...well, di panaman final, at parang kasing sayang ung power ng 3au, masyado malakas, e binuoo lang itong jeep na ito ng pinsan ko as application ng napagaralan nya noong nag-college siya..kaya may-pagkasablay ang kaha nito.

    weigh pa namin(ako at ng mekaniko namin) itong mga options....pati ung budget na ibibigay ng financer(magulang ko)

    just keep the suggestions comming...

  9. Join Date
    May 2005
    Posts
    8,077
    #9
    Quote Originally Posted by rst619
    baka ung matipid mo sa gas triple naman ang magastos mo sa maintenance. Remember surplus diesel engine ang pinag-uusapan natin. Ang bigat sa bulsa pag nagloko injector/inj pump at kelangan mo magpacalibrate. sa gasolina 4k/5k maning mani ang pyesa.

    agree uli ako sa iyo sir..

    konti na lang naman ang difference ng price ng gas and diesel compare sa sakali magagastos mo na pang maintenance sa diesel engine mo .at saka hindi naman kalakasan sa gas ang 4K/5 K engine.

    BTW..iyon mga sinabi mo ba na diesel engine ay bibilihin nyo pa lang ba or nabili nyo na ,,,kasi ang laki din ng difference ng prices nila compare sa bibili ka ng 4K /5k engine

  10. #10
    bibili palang..info gathering kung baga

    di kasi ako familiar sa models ng diesel engines...para pagpunta ko din sa surplusan, di ako aanga-anga..

    kung gas engines, 4k or 5k basta 5speed tranny ang kasama..anu pa ang masa-suggest nyu naman?

    we just need to replace ung kumatok na 3au..

  11. Join Date
    Apr 2004
    Posts
    450
    #11
    agree with the mazda RF or R2.. eto gamit ng mga B2200 pick-up and 2.2L Besta.. economical and reliable ang makina nito.. budget between 20k - 22k meron ka na makikita sa Blumentritt... pili ka na lang ng tahimik ang andar and replace the timing belt when you install..

  12. #12
    20-22k? baka forget na ako dyan,e....pero di ko alam, baka ok sa parents ko din...

    mga 10k to 15K sure pa... just keep it comming...

    thanx sa inyong lahat!

  13. Join Date
    Jan 2007
    Posts
    2
    #13
    Mga tol may binebenta sa akin na owner type jeep, TOYOTA 5K, mags na ang gulong and semi stainless for about 35k without battery. Pwede na ba yon mga bro?

  14. Join Date
    Oct 2004
    Posts
    278
    #14
    Since you've got a 3A-U currently, why not get a 4A-GE?

    Sakto yan sa current transmission mo....

  15. Join Date
    May 2006
    Posts
    109
    #15
    a 4k or 5k ka na lang sir, click na click yun.

    on my experience, tipid sa gas, la problema sa parts, kahit san makakabili,.

    we use to own an owner type jeep sa province before, all around nga ang gamit nun eh, sasakyan ng barangay (salamat sa kabaitan ng parents ko)..

    gamit namin yunsa pag hauil ng mga bakal at pandeliver ng mga finish products sa welding shop namin, kung kulang pa yung sa space ng owner, pwed mo lagyan ng trailer para mas madami makarga.

    kung gusto mo ng power w/ a 4k engine, hanap ka ng low speed na differential/tranny..kung gusto mo ng medyo mabilis para makatipid ng gas, 5 speed tranny.

my owner-type jeep needs engine rplacement