Hi,

Sa toyota 4k, pag barado ang karburador maaring pumatay ng sparkplugs ito.
Mararamdaman mo ito kapag naka parada at ni rebulusyon mo, pag nag menor palyado.
3 klase pwedeng maging problema ng 4k sa carb na maaring ikapatay ng sparkplug.

1. Barado ang carb
2. Sira ang solonoid cutoff valve.
3. Overflow ang Carb

ung #2 & #3 madaling malaman: Tanggalin ang air cleaner, paandarin makina ng 1 minute then patayin ang makina, pag may gasolina sa barell na nasa kaliwa #2 ang problema pag sa kanan meron o umaapaw ang gasolina sa carb #3 ang problema.

Ung #1, kailangan mo palinis ang carb + padaanan ng hangin ang mga butas ng carb para sigurado malinis.

One thing I did para Isolate ang problema eh bumili ako ng platinum plugs un ang kinabit ko kaya kahit magbara or mag sira ang carb di mamamatay ang sparkplug (although mamamalyo). Dahil sa plugs na un, pede kong ma troubleshoot kung saan nangagaling problema nang di ako palit ng palit ng plugs.