Quote Originally Posted by bloowolf View Post
Akala ko rin noon Hyundai mandurugas. Pero ganun rin pala ibang casa ng Toyota, Honda, Nissan at Ford. Mitsubishi lang ata ang wala akong nababalitaan. Di rin pala lahat ng casa ganun. Kailangan lang talaga makahanap ka ng casa na maganda feedback, kaya nga ayos itong tsikot forum. Sa experience ko, yung casa ng Hyundai Las Piņas OK kesa sa casa ng Hyundai Alabang, pero iisa mayari nun FYI. Ako naman, alam ko rin kasi na sa business, kailangan rin naman kumita, wag lang garapalan kagaya ng ibang nababasa ko. Pag maganda relationship nyo sa mga SA at mekaniko, makaka menos rin sa PMS. Yung Service fee nila standard rate naman sa Las Piņas. Di rin ako nahirapan sa warranty claims ko so far.
I agree, hindi lang Hyundai Casa ang mga mandurugas. Madami din nagcocomplain sa ibang casa na masasama ang service nila. Sa Toyota Batangas nadugasan kame, Sa 15k PMS namin, ansabi samin masama na daw ang brake pad namin, good for 3k kms na lang daw yung pad, eh d pumayag kameng palitan, tapos nung kinuha namin yung lumang brake pad, langya, sobrang kapal pa nung pad.

Sa casa ko naman Hyundai Lipa so far wala pa naman ako issue. Pero yung may-ari nyan which is Hyundai Shaw eh andami nang complain.

Doon naman sa free, sorry sir ha pero hindi talaga ako naniniwala na libre talaga yung binigay nilang 2 liters ng oil. Maaaring discount na lang ang mangyayare jan. Halimbawa 6 x 678 = 4,068 minus 1,356 (2 lit free), total of 2,712.00. Sa total na yan kahit pumapatak lang na 452/lit, may tubo pa rin ang casa jan. Pero atleast sa ganyang price range eh mas makakamura ka sa Fully Synthetic oil against sa ibang aftermarket brand. Ang cons lang jan eh hindi natin alam kung ano yung specifications ng casa oil.

Sa aftermarket na oil naman, hindi rin naman tayo nakakasiguro na hindi overprice ang kanilang mga langis.


Just my 2 cents. Peace.