Sorry mga sir kung maling lugar to para i-post.

Tanong ko lang kung saan pwede magpaayos ng engine bay, yung magaling (at hopefully yung malapit sa Marikina, pero willing ako dumayo basta magaling at abot kaya.), everything under the hood, especially yung mga wires etc. kasi kung titignan ko parang spaghetti yung wiring etc. saka sobrang gulo.

Balak ko kasi ayusin muna yung mga ganito bago ko ipa-detail sa Bigberts (marami nagrerecommend dun, magaling daw.). Para kahit papaano showroom-like or yung malapit dun hehehe.

Nakaka-OC lang kasi, kahit maayos pa yung labas ang dugyot pag-pop ng hood.

Will post pics by friday.