Good day mga sirs!

Tulong naman po sa problem ko mga sirs. Auto ko is 94' Mazda 323 sedan 1.6L. Ok sya before ko pinaayos sa isang auto shop yung fuel level warning light na constantly umiilaw kahit mataas pa ang fuel level sa fuel gauge. Sabi nung mekaniko yung float daw yung problema sa fuel tank. Tiningnan nila ang float ok naman daw. So in other words di nila nagawa. So inalis ko dun sa shop para maghanap ng ibang gagawa. From auto shop to bahay namin mga 10km cgro binyahe ko pero ayos naman sya. Nung nagpa gas ako sa shell binakayan (shell unleaded- ung kinarga ko before is petron unleaded) after roughly 2km bigla nlang namatay ang makina! Di ko maistart. Nag iistart kaso biglang nmamatay din biglang bumabagsak ang rpm. Ginawa ko after several attempts, pinatay ko muna tos pinalipas ko mga 10min tos iistart ko ulit ayun nagstart na. So tuloy byahe namin. After mga 5km of travel namatay ulit makina. Buti nlang nasa outer lane kami Ganun ulit ginawa ko kasi d ko rin maiistart nga. Pinalipas ko ulit mga 10min, after 10min nagstart ulit, so tuloy byahe ulit(wala kami makita na gagawa kasi gabi na, undas pa), this time di kmi nag aircon baka kako e nagloloko ang idling dahil sa aircon. Kaso ganun ulit nangyari after mga 5km ulit na travel. More or less nka 5 times kami namatayan sa entire trip namin pauwi ng bahay. Ano po kaya nangyari dito sa auto ko? Pls help po. Many thanks in advance mga sirs!