Inquire lang ako ano kaya problem ng sasakyan namin 4g63/ carb yun engine ng van. Napatambak kasi ng matagal then napanisan ng gas so sabi ng mekaniko nasira yun fuel pump and yun switch valve sa carb yata yun para sa menor kasi nawala menor eh hindi ko alam exact name nung part basta parang fuel pump din siya na maliit then pinalinis ko na din yun carb and pinalitan na din ng fuel filter..
Pinalitan na namin ng original parts yun fuel pump and yun switch valve. kaso naglalaro yun menor nya at namamalya nung pinaandar namin up to now 3 weeks ko na ginagamit ganon pa din sabi kasi gamitin ko ng gamitin at lagyan ng matapang tapang na gas kaso ganun pa din eh. minsan namamatay pa yun engine parang may bumabara at kinakapos.. ano kaya problem nun sa kuryente kaya or sa carb? sabi din kasi nun mekaniko baka daw barbula na at may konting baluktot. nakakahinayang naman pabuksan yun engine sana may makatulong. TIA..