New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Results 1 to 6 of 6
  1. Join Date
    Jan 2006
    Posts
    95
    #1
    Inquire lang ako ano kaya problem ng sasakyan namin 4g63/ carb yun engine ng van. Napatambak kasi ng matagal then napanisan ng gas so sabi ng mekaniko nasira yun fuel pump and yun switch valve sa carb yata yun para sa menor kasi nawala menor eh hindi ko alam exact name nung part basta parang fuel pump din siya na maliit then pinalinis ko na din yun carb and pinalitan na din ng fuel filter..

    Pinalitan na namin ng original parts yun fuel pump and yun switch valve. kaso naglalaro yun menor nya at namamalya nung pinaandar namin up to now 3 weeks ko na ginagamit ganon pa din sabi kasi gamitin ko ng gamitin at lagyan ng matapang tapang na gas kaso ganun pa din eh. minsan namamatay pa yun engine parang may bumabara at kinakapos.. ano kaya problem nun sa kuryente kaya or sa carb? sabi din kasi nun mekaniko baka daw barbula na at may konting baluktot. nakakahinayang naman pabuksan yun engine sana may makatulong. TIA..

  2. Join Date
    May 2009
    Posts
    1,990
    #2
    usually kapag tumagal ang pagtambay ng makina sa storage e may mga namumuo sa karburador at pati sa fuel lines. dahil ito sa laman ng gasolina na isang kemikal (limot ko na pangalan). sa tinagal ng panahon e nagkandasira na mga seals at o rings ng karburador mo. eto ay tumigas na at hindi na maganda ang fit. ang sirang valve e magiiba ang tunog ng makina mo at hirap umarangkada dahil hindi masyado lumalapat ang valve. maaaring tama rin mekaniko mo dahil sa tinagal ng panahon e nakacompress lang yung ibang valve spring at nabigla mga ito nung pinatakbo mo. kaya yung vintage jeep samin e regular exercise every weekend. ayun running well pa rin.

  3. Join Date
    Jun 2006
    Posts
    1,139
    #3
    kung napanisan ng gas, dapat darin ang entire tank, tapos overhaul ang carb at fuel pump. My boxtype was innactive for 3years, ganon lang ginawa namin tumakbo na ulit ng maganda.

    Isa pa pala na masisira pag stuck up engine is yung aircon compressor, di na bumomba kaya palit na rin. valve mo malabo mabaluktot ng di naman ginagamit.

  4. Join Date
    Jun 2006
    Posts
    1,139
    #4
    double post sorry

  5. Join Date
    Jan 2005
    Posts
    445
    #5
    Hindi nyo naman dapat pinalitan ang fuel pump di naman nasisira un pag na stock ang makina. Dapat Dinala nyo sa gumagawa ng carb na may air compressor na mabombahan ng husto ang carb.

    Kapang naayos na sa fuel system, at ganun pa rin baka may problema na igniter unit mo.

  6. Join Date
    Jul 2003
    Posts
    573
    #6
    1. pa-check mo compression ng lahat ng cylinders kung di nagkakalyo ang readings ng bawat isa.
    2. palit ka ng sparkplugs.
    3. check mo distributor cap contacts, linisan kung corroded na.

l300 exceed 4g63 engine namamalya