May Honda VTEC '96 ako and naencounter ko ung Check Engine Light problem last 4 days ago. Pag nakapark and started the engine for almost 15minutes hindi umiilaw pero kapag naidrive ko na within 10minutes umiilaw na ung Check Engine Light. Kapag naioff na engine and nakapagrest for few minutes and start ulit, wala na naman ung Check Engine Light. Wala naman ako nakikita ipinagbago ng engine ko.
Hindi ko magamit ung car ngaun dahil baka meron pa madamage na piyesa. Some says na kailangan gamitan ng analyzer para mapinpoint kung anong sensor or piyesa sira. Meron naman nagsasabi na manual gagawin parang merong ijujumper to trace. Same says na knock sensor papalitan.
Meron ba kayong recommended car repair shop na malapit sa Sta. Rosa, Laguna who has this scanner or can repair this problem. Sana ung mura lang maningil. Pag sa Honda, they will be charging 1k para lang sa pag analyze, wala pa dun ung parts to be replaced at repair cost.