Hi, ask lang po sana ako ng help regarding sa nangyari sa auto ko. Yung auto ko is Toyota Revo DLX na diesel. Bale ganito po yun scenario, pinaayos ko yun aircon nung saturday kasi sobrang init kapag sira na yun ac. Tapos nun maayos na siya, pina-adjust ko naman yung menor kasi mataas dati and then pina-adjust ko din yun clutch kasi hindi agad napasok yun segunda at reverese. Nung tinest drive ko, napansin ko na hirap na siya umarangkada agad at umahon sa mga fly over at parking. kelangan ko pa patayin yun aircon para maka-ahon. Tapos binalik ko sa gumawa at tinanong ko kung bakit, ang sabi nila baka sa transmission yan. Una muna nila ginawa is tinangal yun gas freon. "Blade" daw tawag dun, tapos ngtest drive ule ako. Nag-improve siya ng konti, pero un nga hirap pa rin umahon. Unlike nung hindi pa gawa yun aircon at mataas pa yun menor na kayang-kaya umahon sa matataas na lugar. Sa transmission po ba kaya talaga ito? help naman po mga sirs.. thanks!