Guys, advice naman po diyan. Pagod na po kasi ako sa kakapa-ayos ng Kotse ko. My car is Isuzu Gemini I-Mark '89 model.
Specs:
70HP
4Cyl
8Valve
FWD
Inis na ko kasi halos buwan-buwan na lang may pinapa-ayos ako sa kotse na ito. Nabili ko siya ng 70K and umabot na ako ng more than 70K sa mga paayos na ginawa ko to the point na 9 Months old pa lang sa akin itong auto na ito. Plano ko po sana Change Engine lang instead na ibenta ulit kasi gusto ko po kasi i-retain yung Body nung Car. Intact and makinis pa kasi. Ano po kaya magandang engine ang pwede ilagay dito. Yun po sanang 1.3 to 1.6L, 4 cyl, 16V and DOHC. Pang daily drive and long drive po sana at saka yung madaling i-maintained. Ito kasing car ko na ito hirap i-maintained ang mahal ng mga parts and mahirap maghanap. And sana mabigyan nyo na rin ako ng estimate cost and labor.
eg:
Body Repaint
Engine and Installation
Upholestery(Sidings and Dashboard)
Aircon
Undercoating and Rustproofing
Ito po sana mga plan ko once na makakuha ako ng engine na babagay sa car ko.
Addtional info lang po ang existing engine ko po is Carb po, pwede po kayang palitan ito ng mga EFI?
Pang Daily Drive lang po sana and long drive na engine and kukunin ko. Post naman kung ano magandang engine and saan makakakuha.