Update: Nagpa-overhaul na ako ng carb kahapon at nagpalit ng OEM carb repair kit, pero nung gagamitin ko na yung auto kaninang umaga...ganun pa rin, alang pagbabago, umistart pero after one minute lang namatay na engine. Naghard starting na, ayaw na uling tumuloy so antay ng 1 hr at tsaka ko binalikan yung auto, pero inabot ng ilang tries bago tuluyang umistart at kelangan apakan ng apakan ang gas para hinde mamatay hanggang sa maging stable na rpm.
Ano pa kaya ang dapat ipacheck dito mga sirs? Sa unang start lang naman nagkakaganito ang auto, pag nagamit na sa maghapon hanggang makauwi ako sa gabi ay walang problema...pero kinabukasan pag start, ganun uli :-(