ano ba yung top overhaul, carb overhaul at general overhaul? sorry ha? la talaga akong alam.. yung top overhaul ba yung mina-machine shop yung cylinder head?
kapag na-machine shop na yun di na pwedeng i-machine shop uli? kung cylinder head nga yung mina-machine shop, pwede ba palitan nalang ng bago yun kesa ipa-machine shop? magkano kaya aabutin nun?
may nabasa ako dito, pareho kami ng nangyayari sa oto, nag-cho choke sya, minsan may white smoke na lumalabas. sabi sa kanya baka kailangan ng ipa-carb overhaul.. ano ba yun? ang lakas din nya mag-ubos ng langis, tapos halos every 2 weeks nababasa yung sparkplugs ko kaya pumapalya yung makina. may idling problem din, nakakatakot dalhin kasi taas-baba yung RPM lalo na pag binubuksan ko yung aircon, talagang bumababa sa zero, kala ko nga matitirikan ako umiilaw yung battery samantalang wala pang one year battery ko. kaya hindi ko rin madala kay Speedyfix kasi takot akong dalhin.
plano ko na tlagang dalhin kay Mr. Speedyfix, nag-iipon lang..![]()
saka ask ko lang, meron na ba dito nagpalit ng transmission na hanggang ngayon ok pa transmission nila? gano na sya katagal sayo? nag-inquire kasi ako sa banawe, 16K sinisingil sakin, 1 month lang ang warranty, natakot ako kasi baka after a month sira na sya.
thanks uli sa mga mag-rereply. hope matulungan nyo ko uli.![]()


Reply With Quote

