Pang CDIS pala yun ACCELL ignition coil mo. Meron pala additional resistor block kung ikabit mo ito sa stock Contact Point Ignition System. Bukod pa sa original for Starting Ballast Resistor na kasama sa original wiring ng stock ignition coil.
Iinit talaga iyan. Dahil sa low dc resistance ng coil. Designed iyan para sa mga CDIS or Capacitive Discharge Ignition System.
Kapag pwede ko na i-market yun Multiple Spark CDIS ko ay alukin kita. 4 spark per cylinder sa idling rpm 800 rpm with 40kv high tension voltage. Mag reduce ito into 3 spark pag reach ng 5,000 rpm at maging 2 spark sa highest rpm.
Magugulat ka sa lakas ng performance ng engine mo at tipid ka pa sa gas. Lalo na kung increase mo yun spark gap clearance ng spark plug. Ayaw mo na bumalik sa dating stock ignition mo . Kapag nasubukan mo ito.
