mga bro ano kaya mga possible reason kung bakit minsan bigla ayaw mag start ng tsikot ko? kanina nagamit pa namin, tapos nagpark (patay makina) kami for about 25 minutes. pagkatapos sinubukan ko istart ayaw na, hindi rin nag reredondo, tick sound lang yung naririnig ko. nangyayari eh tumutunog yung cd drive ko na parang may binabasa (niloload) na CD.

pinaayos ko na ito dati, ginawa nung mekaniko nilinis or tinasa ata yung starter. pagkatapos nun ok na. pero after mga 4 months (ngayon) nagkaganun ulit, kaya tulak kotse para magstart, as of now nagsstart na naman na uli siya, pero nakakaphobia kapag nagpapark ako, baka bigla na naman ayaw magstart, mahirap kasi may baby lagi kaming kasama, tsaka hirap maghanap ng magtutulak. help mga bro.