93 Sentra B13 ECCS, MT. Patulong sana ako mga sirs malaman kung ano ang puno't dulo nitong problem.

Pinarepair ko yung radiator ko sa Aurora Cubao (Arnel Jin) kasi may leak sa ilalim. Hininang yung rad, wala na leak. Nung kinakabit na, yung auto nakapark sa hindi patag, slight nakaangat yung sa pwetan at slight nakadaosdus yung nose. Lagay siya ng tubig+coolant, pinastart niya engine at napansin niya lakas daw ng pressure sa tubig. Pinacheck niya temp, ang taas, overheating na sa gauge. Patay makina, tapos pinapark niya sa patag. Lagay siya ng tubig dun sa rad hose going to the engine tapos hinipan/binugahan niya. Back to normal temp.

Pagtakbo ko after good 30mins (AC on), umakyat lagpas half yung temp. Patay ko engine, pati AC. Bumaba temp. On ko AC, umakyat ulit. Patay ko AC, back to normal. Diretso ako mekaniko, sabi niya baka high pressure daw AC. So punta ako AC shop, hindi naman daw high pressure, baka sa radiator daw. So punta ako ibang rad shop, malakas daw yung pressure at bumubula yung tubig sa radiator, sa makina na daw. So balik ako sa mekaniko, kinompression test, 150 lang yung 3rd valve. Top overhaul daw kasi bumubula yung tubig sa radiator at mababa yung score sa 3rd valve. Tinanong ko siya kung bakit nagkaganun, most likely daw effect yun ng overheat.

Nagtataka lang po ako kung bakit siya nagoverheat in the first place, dahil ba dun sa pagkapark nung nilalagyan ng tubig? Or dahil na yun sa engine issue? Wala naman siyang overheating problems prior to radiator repair. Kakapaoverhaul ko lang din yung rad last month. Gumagana naman yung aux fans ko. Iniisip ko kasi na baka kahit matop overhaul, magoverheat pa rin at di pa rin masolve problem. Thank you sirs sa mga maglalagay ng inputs.