Share ko lang mga sir.

We have 2008 Navara w/ 20,000k odo and 2010 Everest w/ 95,000k odo. yung Navara ay minsan lang sya gamitin (nasa abroad ang may-ari). We usually bring it out pag long drives. While yung Everest e araw araw sya ginagamit within metro manila, minsan coding lang pahinga. Due na for oil change yung Everest so naisipan ko isabay na rin ung Navara at for the record, eto ang taon na halos di sya ginamit. Around 2k kms lang ang naitakbo nya since last PMS last 2014. So last week pina-change oil ko sila sa shell gas station w/ the same engine oil (Shell Helix Hx7 10w30)

Today, chineck ko yung dipstick nila pareho. Napansin ko na maitim agad ang oil ng Navara while yung Everest e medyo transparent at gold-ish pa. Lumalabas na mas malinis pa rin yung engine oil ng Everest kaysa sa Navara? Yung Everest araw araw na sya nagamit since last oil change, yung huling takbo ng Navara ay yung pagkauwi galing oil change. Pinagtataka ko lang, sobrang minsan na lang gamitin yung pick-up pero maitim na agad yung engine oil nya.. btw, 1-2x a year lang ang PMS ng Navara regardless sa naitakbo nya.

So.. ganun ba yun, kahit di nagagamit yung sasakyan, iitim at iitim pa rin yung engine oil? Yung Everest, 2nd hand ko nakuha at according naman sa casa history nya ay usually 5k ang PMS nya. though may history na rin sya 8k bago nag pa PMS. pero other than that, tuloy tuloy naman ang PMS nya.

nag worry lang ako sa Navara, ipa-change oil ko kaya ulit sya para sigurado na malinis na yung oil nya sa loob ng engine?