mga boss ano kaya problema nito:

95 corolla GLi, EFI. ayaw mag start pero malakas redondo. eto nangyari, last night pag alis ng house mga 50 meters pa lang namatay engine. wala naman ako nadinig na sound sa engine kung timing belt ang bumigay. no check engine light. then check namin kanina umaga, wala spark yung spark plug. pinalitan namin yung igniter sa distributor kasi pinacheck namin sira na. then pagkabit namin ayaw pa din mag start. pag nirekta namin sa battery yung distributor meron spark sa spark plug pero pag start ko na sa ignition nawawala. ok naman gas, air filter, oil, battery. pwede kaya computer box na? if yun nga narerepair ba yun?

haayy sakit sa ulo