First I noticed na nasa kalahati na lang ang oil level (based on the dis stick). Kaka-change-oil lang last month. Then I found out na nagli-leak ang langis pataas hanggang sa pumasok na sa cylinder. Basa ng langis ang spark plugs ng tanggalin ko. With idle engine, tumitilamsik pataas ang langis pag binuksan yung refill cap. According to my uncle, oil pushing daw yun and the solution is overhaul.... Whew... Holdup na naman to... Mababawasan yung iniipon ko para mapalitan ang car...
But before I bring it a shop, I would like to ask for opinion from our experts and from those who might have experienced the same thing. Ang pinagtataka ko kasi, ok naman ang takbo ng car. Ok din ang acceleration. Hindi naman pumupugak ang makina. Yun nga lang, occasionally mausok lalo na pag paakyat. Then I also noticed na may tunog na parang kuliglig yung breather valve (correct me if i'm wrong... yun yung hose from the top of the engine going to the carb, katabi ng hose papunta sa air cleaner). Parang hissing sound. Can that be a factor?