Ang mga fuels natin sa Pilipinas ay under PNS specs. Pero kahit lahat ng brands ay sumusunod sa government specs, ang mga oil companies ay mayron kanya-kanyang templa lalo na sa distillation ranges. Ang diesel fuel so long as within the Cetane Number of 50 minimum, ok lang sa lahat ng diesel sa Pilipinas. Ang sulfur content ay walang kinalaman sa power ng isang fuel. (Ang Euro 4 ng Unioil ay ibig lang sabihin mababa na ang kanyang % S). Pero kung paano hahatak sa ibat-ibang speed and rpm, depende sa distillation test specs ng company para sa kani-kanilang diesel fuel. Ganoon din sa gasolina, basta ang octane ay 91 and above ok sa mga karaniwang kotse natin dito sa Pilipinas. Ang performance nila ay nagkakatalo sa distillation din. Mayron gasolina malakas hatak sa low rpm, mayron din malakas sa mid rpm at mayron malakas sa high rpm. Kaya ang dapat ay subukan ang ibat-ibang brands at pakiramdaman mabuti kung saan gasolina o diesel maganda ang performance ng ating sasakyan at yan ang gamitin natin. I hope nakatulong ng konti ang information na ito.