Guys need help naman my car is a Avanza 1.3.

Got idling problems which started last month, and then lumalabas ang check engine light nya. I did my research and mostly Idle Speed Control Valve ang sinasabi. Pumunta ako sa Shell Service Station and pinalinis ko yun ISC Valve, after ilang days lumabas ulit CEL and nagkakaproblem na sa idling ulit.

So what i did is bring it to a Toyota Service Center to have it scan. Ang lumalabas nga is yun error sa ISC daw nya, may inayos siya and sabi na mukhand hindi maayos ang pagkakabalik ng throttle body and isc valve. Pero ang recommendation nila is to have the ISC Valve replace. Nawala naman for a moment ang CEL at idling problem pero after a week bumalik na naman ang problem. Observation ko lumalabas yun CEL pag cold start then on/off siya for a while pero nawawala upon driving for a while.

Hope you can help me guys. Kelangan ko na ba talaga palitan yun ISC Valve.

Thanks.