mga bossing, normal po ba na manginig ang makina pag bukas ang aircon.. 800 rpm po.
mga bossing, normal po ba na manginig ang makina pag bukas ang aircon.. 800 rpm po.
normal yan sir. mga 200rpm more or less ang increase pero sandali lng yun seconds lng. balik normal idle rpm. kaya wag isabay yun on ng aircon at andar ng sasakyan. kung malakas talaga yung nginig pa check mo na lng yun sa trusted mechanics natin.
di dapat manginig yan. i compensate ng aircon actuator/selenoid valve ang hatak ng aircon compressor. paki check mo ang actuator kung ok pa ba. hope this helps.
mga bossing, 800 rpm a/c off, tapos pag bukas ng aircon biglang tataas ng hanggang 1.1k rpm pero babalik din ng 800 rpm.. idle up po nga kaya ang sira? may inaadjust po ba dito o palit na ng pyesa?
kung ganyan, okay ang idle up mo.
my take, i check mo yung belt mo baka sobrang higpit and/or kung umiingay and the worst baka may isa up to 2 kang engine support na sablay na.
teka teka ikaaw din ba yung naka civic na eg? ph12 na makina? try to check muna yung tune up. patignan mo using timing light parang 250 petot lang iyun. tapos check kung malinis yung carb, air filter, spark plugs et al. diyan ka muna sa mura murang gawaan.
pero my take, engine support na iyan na naapektuhan na lang ng mga bagay na nasa itaas. and of course sa kalumaan na din.
Last edited by brainmafia_310; April 2nd, 2014 at 08:29 PM.
honda city 97 sir ^^, patulong naman ako sir, bka matulungan mo ako. taga bacoor ka lng pla, taga imus po ako ^^
^^^ sir sorry natabunan tong thread na ito. Sa servitek sa palico cor. Aguinaldo pacheck mo sa kanila at patignan mo engine support, pacheck mo na din timing mo at mga belt. Libre naman iyun pero abot ka lang konting tip. Pagmay nadiagnose sila ayun pagusapan natin.
Posted via Tsikot Mobile App
sir saan po banda ung servitek na un? i mean any landmark nearby. dinala ko po kasi ito last saturday sa servitek sa may niog, wla daw silang timing light, si manong mechanic inuna ifixed ung steering column since dun daw mejo malakas ang vibration, nahulog yung bushing sa place nya kasi may natanggal na lock. binalik sa pwesto yung bushing tapos tinalian ng alambre since nawala na ung lock. medyo nabawasan ung vibration, pero meron pa rin pa konti konti and still the same sound i am hearing. isa pa nga pla, pag nag start ako ng kotse meron whistling sound akong naririnig, di ko mawari kung saan galing since wala tlga akong background or ideas sa mga tunog tunog. btw sir, meron po ba timing light sa servitek palico?
PS. buo daw mga engine support.
sir niresearch ko ung location ng servitek palico, ito po ba ay dun banda sa kanto ng papasok sa MCI? cguro masikip din belt ng compressor ko ,dati kasi nung tinanggal belt ng compressor maayos naman tunog ng engine. ngaun prang medyo pressured kahit di pa naka-on ang aircon.
Yes tumpak, arcjem or marcjem trading. Libre naman patingin diyan boss. Yung whistling sound maraming pwedeng paggalingan Sir.
Posted via Tsikot Mobile App
Timing light sure ako. Scanner, not so sure. Sa basic muna sir para hindi magulo. Kasi ung naka CEL ka, dapat pagamitan mo scanner yan, kung walang CEL most likely iba problem niyan.
Posted via Tsikot Mobile App