May maraming tilamsik na engine oil mula sa crankshaft (tama ba ang tawag dito?) at sa dipstick, at maraming usok na kulay puti. Ang ginawa ng mechanic - divert the breather hose palabas directly para hindi pumasok uli ang usok and some oil.

Just came from casa for more scientific testing - nagpa compression test na rin ako. P600 ang bayad. Dito na siguro magkaalaman kung ano ba talaga ang condition ng makina. Sabi uli ng Mitsubishi mechanic hindi daw blow by yon kahit malakas (para sa akin at sa isa pang mechanic sa labas).

Stay tuned, at ikukuwento ko sa inyo ang results bukas. Nagpa-estimate na rin ako ng overhaul just in case. Ang mahal pala!!! I hope its not really necessary.