yan din ang katanungan ko sa sarili ko.
OEM toyota vs Vic vs Baldwin vs Bosch sa sasakyan namin. shell R4X ang oil.
Vic at Baldwin mas matagal mangitim ang oil versus OEM toyota at Bosch. mas mabigat din ang Vic vs Bosch kaya naisip ko na baka mas makapal filter media nito.
kaya balik Vic ako, opinyon ko lang naman, parehas lang sila ng Baldwin, readily available pa ang Vic sa mga auto supply.
mga naging taxi namin, Vic lang ever since, hanggang ngayon ok pa makina. yung isa private na, ok na ok pa din.
may offer sakin yung bagong Vic oil filter, double filter, kaso pang low viscosity oils lang, hindi ko pa nasusubukan. pang XW-30 and lower. may naka indicate mismo sa box na for low viscosity oils lang.
siguro yung mga naka bad experience sa Vic, fake yung nabili. mahal na din ang Vic filter ngayon, mas mahal pa sa Bosch na binibili ko sa Bosch center mismo (caltex paranaque).