Sa halos 70 taon, walang ibang vehicle assembler ang nakalapit sa reputasyon nito sa diesel engines kaysa sa may kredibilidad nang Isuzu. Kahit tanungin ang ordinaryong car owner ukol sa unang pangalan na lalabas sa kanyang kaisipan sa pagsabi lang ng diesel at siguradong isa lang ang kanyang isasagot...Isuzu.

Ang reputasyong ito ay hindi agad-agad nahatak ng madalian. Ito ay resulta ng ilang dekadang pagpiga ng utak sa pagre-research at pagpapaunlad ng resources hanggang mapino ang diesel engine technology.

Sa pagpapalabas ng unang air-cooled diesel unit na ginawa noong 1936, hindi tumitigil ang Isuzu sa pag-develop ng diesel engine para makasabay sa pangangailangan ng motoring public.

Hanggang ngayon, matagumpay ang naturang car manufacturer sa pagpapalawak sa labas ng domestic market nito sa Japan, paged-design at pagpupursigi ng mas magarang diesel engines para sa mga sasakyan na ibinebenta sa Europe, North America at Asia.

Ang pinakabagong diesel engines na pinag-ibayong ginawa ng Isuzu ay lubos na makatulo-laway sa paningin ng bawat isang mahiligin sa sasakyan - modern sport-utility vehicle (SUV). Sa ilalim ng hood nito ay matatagpuan ang third generation ng common-rail direct injection diesel engine, na unang ginawang Isuzu noong 1998 sa paglutang ng popular at maaasahang Trooper mid-size sport utility.

Bukod sa Swirl Control Valve Actuator na feature, ang SUV engine na isang 4JJ-1 I-TEQ, 16-valve double overhead camshaft (DOHC) configuration, ay may 146 ps ng power output, isang 20% improvement buhat sa isang non-common-rail unit. Ang torque ay isa ring impresibo sa 30 kgm. Ito ang mga resulta ng bagong common-rail system’s precise fuel injection at pinatibay na combustion chamber design.

Ang matinding pressure sa loob ngrail ng bagong engine ay gumagarantiya rin sa well-timed, proportionate at tumpak na pagpasok ng fuel sa kahit anong speed, na nagbibigay sa makina na maabot ang isang 15% improvement sa fuel efficiency.