Owner po ako ng 2009 Toyota Avanza 1.3J. Normal po na sakit ng Avanza ang menor - nagwiwild yung RPM. Ang ginagawa ko lang po ay linisin ang ISC (Idle Speed Control) tapos tangalin ang negative terminal sa battery for 15 minutes para ma-ireset ang ECU.

Recently, nagka problem po ako sa fluctuating idle nya. Kapag tumatakbo ng mabilis tapos mag down shift or neutral, drop po yung RPM hanggang mamatayan. Nilinis na ISC and reset ECU ganun pa rin. Pinalitan na ISC ganun pa rin. Pinalinis na servo ganun pa rin. Pina diagnose sa casa wala nman problem sa mga sensor. Tune up na - palit air filter, sparkplugs, and change oil ganun pa rin. Malakas nman battery at hindi hard starting.

Hindi po mahuli yung problem. Sana po matulungan nyo ako. TIA