New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Results 1 to 9 of 9
  1. Join Date
    Jul 2009
    Posts
    92
    #1
    Mga Master tanong ko lang po kung saan nakakabili ng parts ng Alternator for Nissan Series III. Minsan po kasi yung battery lights ay umiilaw pag nasa trapik at sobrang init na ng engine compartment. Pag umilaw na yung battery light ay humihina narin aircon. Pag hininto ko naman at check ko yung voltage ay ok naman 13.6volts sa tester ko. Pag pinatay ko engine at pahinga lang ng konti ay wala na yung battery light. Intermitent po siya. Minsan di naman nailaw yung battery light, minsan naman ilaw lang ng few seconds tapos wala na. Pag malayo na natakbo ng oto at biglang na trapik ng matagal ay iilaw uli ng ilang segundo lang. Minsan naman ay walang ilaw sa battery light. Sinubukan korin tanggalin yung negative koneksiyon sa battery while engine is running at hindi naman namatay engine at check ko voltage 13.6volts. So may voltahe naman kahit may ilaw yung battery light. Then few seconds nawawala na yung battery light after kong tanggalin yung negative koneksyon sa battery. Parang intermitent sya. Ano po kaya ang problema ng alternator ko? baka po kaya sa carbon brushes? May alam po ako sa Electronic, so baka po kaya kong ayusin alternator ko kasi may electronic parts po sa loob. Saan po ba nakakabili ng alternator parts?

    Nabasa ko po yung "Alternator DIY" ni sir Miked at malaki po ang maitutulong sa akin nun sa pag repair ng alternator ko. Thanks sir Miked! Saan po ba bilihan ng alternator parts?

    Thanks in advance po sa makakatulong kung saan po nakakabili ng alternator parts at kung ano po talaga ang problem ng alternator ko. More power po sa lahat ng tsikoter....

  2. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    15,528
    #2
    medyo mahirap mag DIY ng alternator, but you can get the parts from electrical/electronic shops.
    may ganyan din sakit yung B14 ko dati, but instead of having it repaired, i just bought a surplus one...
    3 years na sya, and ok pa din.

  3. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    17,339
    #3
    I just got a reconditioned alternator from Reys Electrical before. Can't remember the price though.

  4. Join Date
    Feb 2009
    Posts
    5,130
    #4
    Quote Originally Posted by Jake605 View Post
    Mga Master tanong ko lang po kung saan nakakabili ng parts ng Alternator for Nissan Series III. Minsan po kasi yung battery lights ay umiilaw pag nasa trapik at sobrang init na ng engine compartment. Pag umilaw na yung battery light ay humihina narin aircon. Pag hininto ko naman at check ko yung voltage ay ok naman 13.6volts sa tester ko. Pag pinatay ko engine at pahinga lang ng konti ay wala na yung battery light. Intermitent po siya. Minsan di naman nailaw yung battery light, minsan naman ilaw lang ng few seconds tapos wala na. Pag malayo na natakbo ng oto at biglang na trapik ng matagal ay iilaw uli ng ilang segundo lang. Minsan naman ay walang ilaw sa battery light. So may voltahe naman kahit may ilaw yung battery light. Then few seconds nawawala na yung battery light after kong tanggalin yung negative koneksyon sa battery. Parang intermitent sya. Ano po kaya ang problema ng alternator ko? baka po kaya sa carbon brushes? May alam po ako sa Electronic, so baka po kaya kong ayusin alternator ko kasi may electronic parts po sa loob. Saan po ba nakakabili ng alternator parts?

    Nabasa ko po yung "Alternator DIY" ni sir Miked at malaki po ang maitutulong sa akin nun sa pag repair ng alternator ko. Thanks sir Miked! Saan po ba bilihan ng alternator parts?

    Thanks in advance po sa makakatulong kung saan po nakakabili ng alternator parts at kung ano po talaga ang problem ng alternator ko. More power po sa lahat ng tsikoter....



    Sinubukan korin tanggalin yung negative koneksiyon sa battery while engine is running at hindi naman namatay engine at check ko voltage 13.6volts.




    NEVER DISCONNECT THE BATTERY WITH THE ENGINE RUNNING! the otherwise working or easily repairable alternator usually gets the electronic voltage regulator fried up or sometimes the whole alternator gets fried up. it will go to an uncontrolled voltage spike that will damage your electronic components: powertrain control module, electronic tuned radio, anti lock brakes module, body control module, and many sensetive electronic components. YOUR CAR DOES NOT HAVE A SURGE PROTECTOR.
    Last edited by jick.cejoco; June 5th, 2012 at 02:46 PM.

  5. Join Date
    Jul 2009
    Posts
    92
    #5
    Ay ganun pala yun. Hindi kuna uulitin tanggalin uli yung negative koneksyon. Baka masira nga mga electronic parts ng iba. May nabasa din ako sa pag search this afternoon na maaari nga daw masira ang ibang electronic parts at ma fried yung alternator. Buti nalang seconds ko lang tinggal. Thanks a lot sir sa advice mo very helpful

  6. Join Date
    Jul 2009
    Posts
    92
    #6
    Palagay ko nga sir 1D4LV, papalitan ko nalang ng bago o surplus kasi intermitent sya at baka ganun parin pag inayos ko. Mag canvas nako soon at update ko kyo mga sir kung ok na oto. Salamat po
    Quote Originally Posted by 1D4LV View Post
    medyo mahirap mag DIY ng alternator, but you can get the parts from electrical/electronic shops.
    may ganyan din sakit yung B14 ko dati, but instead of having it repaired, i just bought a surplus one...
    3 years na sya, and ok pa din.

  7. Join Date
    Sep 2010
    Posts
    137
    #7
    Sir Jake, jick is right, never disconnect your batteries while your engine is running..

    Ganyan din problem ko sa Sentra B14 ko dati, naka 3 alternator ako. Ang culprit pala eh yung main pulley nya (the ones driving the alternator, aircon and power steering) ang hindi umiikot ng mabuti, kaya discharged ang battery then hihina ang aircon. Nadiscover lang ng suking aircon technician ko kasi galing siya sa nissan, kaya alam nya na sakit ng B14 yun.

    I suggest you check it first..

  8. Join Date
    Jul 2009
    Posts
    92
    #8
    Quote Originally Posted by timtonymanu View Post
    Sir Jake, jick is right, never disconnect your batteries while your engine is running..

    Ganyan din problem ko sa Sentra B14 ko dati, naka 3 alternator ako. Ang culprit pala eh yung main pulley nya (the ones driving the alternator, aircon and power steering) ang hindi umiikot ng mabuti, kaya discharged ang battery then hihina ang aircon. Nadiscover lang ng suking aircon technician ko kasi galing siya sa nissan, kaya alam nya na sakit ng B14 yun.

    I suggest you check it first..
    Thank you sa sussetion sir timtonymanu, Naisip ko din yan na baka sa crankshaft pulley ang problem kasi pati aircon humihina pag umiilaw yung battery light. So parang nagloloko yung ikot ng crankshaft pulley na nagpapahina sa aircon at mufunction sa charging system ng alternator. Pero ang ipinagtataka ko ay kung nababago ikot ng crankshaft pulley e di sana nababago din yung timing mark kasi nandun sa crankshaft pulley yung mga marka ng pag timing ng engine. Pero tsine-check korin naman yung timing pag nakita kong naka on yung battery light indicator while engine is running using my timing light gun at yun hindi naman nababago. Kasi kung nag slide yung malaking pulley sa crankshaft ay mawawala na sa tamang pointing yung mga timing mark. itry ko pong palitan muna ng surplus na alternator at kapag ganun parin ay isunod ko nang palitan yung crankshaft pulley(main pulley). baka yun nga ang culprit.

    Update ko po kayo later kung ano na nangyari sa oto ko. Maraming salamat po.

  9. Join Date
    Jul 2009
    Posts
    92
    #9
    Mga sir, just cameback from province. Napalitan kuna ng bago yung alternator ko. So far okey sya at hindi na umiilaw yung sa battery kahit matrapik at mainit. Sana mag tuloy-tuloy na okey na sya at di na mag warning yung battery light. Obserbahan ko pa then update ko po kayo mga sir. Maraming salamat po sa mga nag suggest ng good things...

Where to buy Nissan B14 Alternator Spareparts