New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Results 1 to 18 of 18
  1. Join Date
    May 2009
    Posts
    1,990
    #1
    Hello mga kuya. gusto mo ba maging batang grasa? pwes eto para sayo.

    Skill level requirement: basta malakas ang loob mo at nakakaintindi ng konting mechanicals at electrical basics e ok na. hehe

    Tools Required: Regular handtools atsaka multimeter (tester). tsaka 4 pcs G.I. sheet hugis kwadrado (mamaya malalaman mo gamit neto)

    Hindi po kasali sa ngayon ang carbon brush replacement. Ang starter ay kumbaga "bolt-in then forget". saka mo lang ito ooperahan kung may problema na. isang option din ay linisin ang loob neto.

    May 2 klase ng starter: Direct drive at Gear Reduction. Kadalasan direct drive ang mga maliliit na makina atsaka de-gasolina. Gear reduction naman sa mga mas mabigat kagaya ng diesel. tapos sa gear reduction, mayron kang planetary type at non-planetary (simpleng gear reduction lang kumbaga).

    Ang involved dito na starter ay gear reduction non-planetary type.
    [IMG]
    [/IMG]

    [IMG][/IMG]

    Tanggalin mo muna ang Motor "M" terminal sa may solenoid.
    [IMG][/IMG]

    tapos yung 2 thru-bolts. mahaba to. PAALALA: wag kalimutan lagyan ng alignment marks ang starter.
    [IMG][/IMG]
    Attached Thumbnails Attached Thumbnails 1.jpg  

  2. Join Date
    Feb 2015
    Posts
    20
    #2
    Natry mo naba magtrouble shoot ng starter nito sir? Kasi yung Vios ko na 2008 model 1.3J, Kapag iniistart ko parang may hissing sound "dit dit dit" pag start ng engine pero nawawala din agad. Sabi ng kaibigan ko baka sa starter daw yun.

  3. Join Date
    May 2009
    Posts
    1,990
    #3
    Sunod ay yung end cover screws. andito banda yung mga carbon brush.
    [IMG][/IMG]

    tadannnnn!!!!!
    [IMG][/IMG]

    kung anak ka ng karpintero, marunong kang mamokpok. pero wag naman masyado malakas. bahagya lang para matanggal ang pagkadikit ng yoke.
    [IMG][/IMG

    kapag kumalas na, pwede mo na hugutin ang yoke. nakabahay dito yung field coils. maiiwan naman yung armature coil. yung armature ang umiikot habang steady lang ang field coil.

    Ang CONTROL circuit gamit ang 4- or 5-pin 30 amps bosch relay at gage 12 wire:
    Battery +12 volts --> relay terminal 85 --> relay terminal 86 --> ignition switch --> ground (para sa ground side switching)

    OR

    Battery +12 volts --> ignition switch --> relay terminal 85 --> relay termnal 86 --> ground (para sa hot side switching)

    Ang LOAD circuit (gamit ang gage 10 wire):
    Battery +12 volts --> relay terminal 30 --> relay terminal 87 --> solenoid "S" terminal

    Ang solenoid ay isang klase ng heavy duty relay (switch). Kapag may +12 volts na sa "S" terminal ay magsasara ang contacts sa loob ng starter solenoid para dito na dadaan ang sandamakmak na amperahe (+- 200 amps kadalasan or mas mababa) galing sa battery mismo. magcoconnect na ngayon yung "B" at "M" terminals papunta sa field coil tapos carbon brushes. dito na ngayon iikot ang armature sabay tulak yung overrunning clutch para kumagat yung pinion gear sa flywheel ng sasakyan.

    dito sa circuit na ito mo na makikita ang pinakamalalaking wires sa isang sasakyan. kadalasan gage 2 wires.

    pasensya na wala ako drowing. imaginin mo na lang.

  4. Join Date
    May 2009
    Posts
    1,990
    #4
    Quote Originally Posted by ZMS View Post
    Natry mo naba magtrouble shoot ng starter nito sir? Kasi yung Vios ko na 2008 model 1.3J, Kapag iniistart ko parang may hissing sound "dit dit dit" pag start ng engine pero nawawala din agad. Sabi ng kaibigan ko baka sa starter daw yun.
    pasensya na. conventional diesel lang kasi ang kabayo ko. may sariling utak kasi mga bagong sasakyan ngayon. lalu na kung walang scanner, mahirap itroubleshoot.

    - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

  5. Join Date
    Feb 2015
    Posts
    20
    #5
    ahh ganun ba, nag iisip na nga me ipatingin sa CASA yung Unit kaya lang baka tagain naman.

  6. Join Date
    May 2009
    Posts
    1,990
    #6
    o sya ituloy natin.

    FIELD COIL TEST

    kunin ang yoke (field coil) atska yung tester. iswitch sa continuity mode (OHMS) ang tester. idikit ang isang lead sa field coil wire at yung isa sa katawan ng yoke. manalangin ka na "I" (infinity) ang reading (a.k.a hindi grounded) ang reading mo dito kundi magpapalit ka na ng buong starter o kaya irewind ito (kung rewindable). sa kaso ng starter ko e disposable dahil walang pihitan yung humahawak sa field coils.
    [IMG][/IMG]

    sunod, ilipat mo yung isang lead sa isang field brush. itrace mo lang yung wiring galing field coil papunta sa 2 carbon brush. dapat continuous ang reading dito gaya nung nasa litrato.
    [IMG][/IMG]

    tapos hindi dapat continuous naman sa natitirang 2 carbon brush.
    [IMG][/IMG]

    sunod sa brush holder, dapat not continuous pa rin ang reading.
    [IMG][/IMG]

    Ngayon, kung hindi akma reading sa apat na testing e bumili ka na lang ng brand new (replacement o OEM), brand new repaint o kaya iparewind mo ang field coil. regarding sa brush holder, ewan ko lang kung may nabibili. bakal yung frame pero insulated yung 2 carbon brush sa holder.

  7. Join Date
    May 2009
    Posts
    1,990
    #7
    ARMATURE TEST

    nasa OHM range pa ring ang tester. idikit ang isang lead sa commutator at yung isa naman sa armature coil. dapat not continuous kung hindi, e grounded ang armature.
    [IMG][/IMG]

    sunod, continuous dapat ang bawat segment ng commutator.
    [IMG][/IMG]

    not continuous dapat sa pagitan ng commutator at shaft.
    [IMG][/IMG]

    icheck na rin ang bearing kung may sayad. palit kung kinakailangan. lagyan ng grasa kung hindi selyado.

    icheck din ang alignment ng armature shaft. kung baliko e kakaskasin nya ang field coil gaya ng armature sa litrato. kung mapapansin nyo e tanggal ang insulation nung left part ng armature coil dahil may konti bali ang armature. mayron nabibili na armature coil lamang

  8. Join Date
    May 2009
    Posts
    1,990
    #8
    GEAR reduction

    buksan ang lock.
    [IMG][/IMG]

    tanggalin ang c-clip
    [IMG]
    [/IMG]

    tapos, lagyan mo ng kulangot ang gears.
    [IMG][/IMG]

    kung naikot ang starter pero di naikot ang makina, maaring solenoid (pull in/hold in coil) o reduction lever ang problema. pero kadalasan solenoid.

    - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

    GEAR reduction

    buksan ang lock.
    [IMG][/IMG]

    tanggalin ang c-clip
    [IMG]
    [/IMG]

    tapos, lagyan mo ng kulangot ang gears.
    [IMG][/IMG]

    kung naikot ang starter pero di naikot ang makina, maaring solenoid (pull in/hold in coil) o reduction lever ang problema. pero kadalasan solenoid.

  9. Join Date
    May 2009
    Posts
    1,990
    #9
    IBALIK na ngayon lahat ng pyesa.

    kumuha ng g.i. sheet at dito mo gamitin. kung hindi mo gagawin ito ay hindi sasalpak ang buong field coil dahil sasayad yung carbon brushes sa commutator ng armature coil. yung gi sheet ang pipigil sa coil spring na nagtutulak sa mga carbon brush laban sa commutator.
    [IMG][/IMG]

    saka mo itulak paloob ng holder yung 4 na carbon brush para sumalpak yung armature. kita nyo ba sa litrato mga papi?
    [IMG][/IMG]

    o ayan, ITEST DRIVE mo na!

    gamit ang color coded ko na jumper cable:
    +12 volts (red) sa "B" terminal
    ground/return (black) sa tenga ng starter housing.
    +12 volts (yellow) galing sa red cable o kaya B terminal papunta sa "S" terminal ng solenoid.
    yung ground cable ang gamitin bilang switching side para hindi matunaw ang threads ng "B" terminal sa kaka-spark.

    respetuhin ang batterya ng sasakyan. kahit na 12 volts lang iyan (o 24 v man) e kayang magwelding yan. sige ka. hehe

    o eto debate muna mga kaibigan:

    kapag nagkabaliktad ba ang polarity sa starter, e mag-iiba din ba ang ikot? nasubukan nyo ba?hehe.

    Last edited by miked; February 9th, 2015 at 01:51 PM.

  10. Join Date
    Aug 2006
    Posts
    614
    #10
    Thanks for sharing, sir. Very useful information.

  11. Join Date
    Apr 2014
    Posts
    5,246
    #11
    way to go sir.
    nice info.

    - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

    way to go sir.
    nice info.

  12. Join Date
    Oct 2009
    Posts
    2,271
    #12
    kapag nagkabaliktad ba ang polarity sa starter, e mag-iiba din ba ang ikot? nasubukan nyo ba?hehe.
    hindi magkaka baliktad kasi body ground ang starter ..

    pero ayon sa aking kaalaman lahat ng motor na gumagamit ng supply na DC ay isa lang ang direksyon ng ikot.at kapag binaliktad mo ang supply mag iiba din ang ikot .babaliktad...
    base sa mga 2 carbon DC motor na aking napag alaman ..di ako sure dyan sa starter.na tatlo ang carbon brush.

    pero hulaan ko nalang.pag dating siguro dyan sa atarter .komo tatlo ang carbon brush at iba ang winding niyan.hindi mag babago ang ikot.1 direction parin..

    hula hula,,,,

    dag dag ko nadin idol TS

    komo expert ka sa starter..

    ung tsikot ko minsan pag start ko siya may maririnig lang akong nag click sa starter.pero ayaw tumuloy.kailangan ko pang ulitin ang pag start,sa second or third attemps saka palang siya mag start,,

    ano problema nun mahina naba battery ko or kulang ng supply.
    Last edited by jaypee10; February 10th, 2015 at 06:33 PM.

  13. Join Date
    Aug 2014
    Posts
    130
    #13
    di ba sir pede yung itutulak ng reverse para magstart pag lobat sasakyan, baka pede din baliktad, mas mahina lang siguro redondo.

  14. Join Date
    May 2009
    Posts
    1,990
    #14
    Quote Originally Posted by jaypee10 View Post
    ung tsikot ko minsan pag start ko siya may maririnig lang akong nag click sa starter.pero ayaw tumuloy.kailangan ko pang ulitin ang pag start,sa second or third attemps saka palang siya mag start,,

    ano problema nun mahina naba battery ko or kulang ng supply.
    hala ka! may dwende ang sasakyan mo!. biro lang.

    ganyan ang paginarte nung starter ko bago nung bumigay (ahahaaaaYYY!!!). field coil ang nadale. basta na lang ayaw umistart/rumedondo bigla ng walang paalam.

    maari dng armature. o simpleng higpit lang siguro sa mga koneksyon gaya ng battery clamps, corrosion, etc...

    hindi ko talaga masabi hanggat wala sa mga kamay ko iyan. copper ba o lead yang clamps mo? unreliable din ang lead e sa experience ko. madali lumuwag at magkaron ng puting deposits.

  15. Join Date
    Jun 2006
    Posts
    6,104
    #15
    Very informative and useful thread Sir! More please!

  16. Join Date
    Mar 2008
    Posts
    54,641
    #16
    i do not wish to douse cold water over such burning enthusiasm, but... in fact, i am gratified that someone still likes to get down and dirty...
    if you do this at home, and you do find something that needs replacement...
    you will realize that you have a car that you can not start, because you brought down the starter...
    so how will you buy that part you need to fix the starter?

    it is because of this, that we do not distrungcate our starters at home anymore..

    believe it or not, sabay kami ni kuyang humalakhak nang malakas, nung ma-isip namin yun...!

    but it is fun...

    btw... driving a starter-less car? not a very good idea.. big gamble.. unless you have three friends in the rear seat..

    and nice thing with starters... heavy duty construction sila.. ang hirap sirain, kahit puro hinlalaki ka..
    Last edited by dr. d; February 11th, 2015 at 01:52 AM.

  17. Join Date
    Jul 2009
    Posts
    153
    #17
    Most important reminder before you start tinkering with anything that uses electricity, lalo na yang starter. DISCONNECT YOUR BATTERY. Para makalas mo ng tuluyan yung starter sa makina, tatanggalin mo yung wire na galing sa baterya dun sa terminal sa may solenoid. Pag nakakabit pa rin yung polo ng positive sa baterya at yung llave na gamit mo ay nadikit sa kahit na anong parte ng kotse tyak yan shorted mangyari na parang fireworks na puro spark. Secondly, pag kalas na yun starter at mag test run ka ng motor nito, make sure na nakaipit sa vise o kaya ay tapakan mo ng husto, mahirap hawakan lang unless sobrang lakas ng grip mo kasi malakas sumipa ( high torque) ang motor ng starter. Baka pumilipit braso mo o mabitawan mo. Safety first weekend mechanics!
    Last edited by Wishing; February 12th, 2015 at 08:39 AM. Reason: spelling

  18. Join Date
    May 2009
    Posts
    1,990
    #18
    Quote Originally Posted by Wishing View Post
    Most important reminder before you start tinkering with anything that uses electricity, lalo na yang starter. DISCONNECT YOUR BATTERY. Para makalas mo ng tuluyan yung starter sa makina, tatanggalin mo yung wire na galing sa baterya dun sa terminal sa may solenoid. Pag nakakabit pa rin yung polo ng positive sa baterya at yung llave na gamit mo ay nadikit sa kahit na anong parte ng kotse tyak yan shorted mangyari na parang fireworks na puro spark. Secondly, pag kalas na yun starter at mag test run ka ng motor nito, make sure na nakaipit sa vise o kaya ay tapakan mo ng husto, mahirap hawakan lang unless sobrang lakas ng grip mo kasi malakas sumipa ( high torque) ang motor ng starter. Baka pumilipit braso mo o mabitawan mo. Safety first weekend mechanics!
    onga pala salamat at pinaalala mo. opkors, common sense na rin mga kaibigan na tanggalin ang "B" terminal connection sa starter at "S" terminal sa solenoid.

    nakalimutan ko pala banggitin sa intro ng thread regarding safety precautions before doing any work on a car....

    disconnect the negative cable, wear safety glasses, gloves, respirator, hwag manigarilyo o no open flame near the battery (kala kasi ng karamihan e simpleng tubig lang, di nila alam na explosive hydrogen ang ineemit nito), etc..........

    regarding sa testing ng starter, inapakan ko lang. kaya namang ihold dahil free naman ang pinion. pwera lang kung may sayad ang bearings ng starter e mas malakas ang kickback. kung may vise, much better.

Tags for this Thread

Starter Quickie DIY Maintenance Check (with pictures)