Ang problema ko last time sa volt meter e less than 0.5 volts ang reading than the actual battery voltage. nakatap to a 12V + ACC wire. mejo hindi nga acceptable yung voltage drop sa wiring harness ko. pati oil pressure gage parang nagbabago rin reading due to fluctuating and high voltage drop.

Ang naisip kong trick is by using a regular bosch 5 pin relay. voila! true volts na ang nababasa ko sa voltmeter.

tinap ko ang control/signal circuit ng relay (pin 85-86) sa wire kung san previously connected ang gages.

ang load circuit (gages) ng relay (pin 30-87) ay nakatap na directly to battery positive.

used gage 18 on the control circuit at gage 14 sa load (actually pwede na rin gage 18 dahil low ampere draw lang naman ang gages). used a 5 ampere fuse on both circuit....

sorry no pics. madali lang ito maintindihan once na may relay ka na at idrawing mo ang sinabi ko. hth