Kung nagtitrip yan at 30 amps then merong grounded somewhere or pwedeng may problema yung motor ng power window mo (masyado malakas kumain ng current). Wag mo palitan ng mas mataas na rated fusible link. Find the culprit and have it repaired or replaced. Pag pinalitan mo ng mas mataas na rating baka masunugan ka ng wires.

Share ko lang, nangyari sa akin yung napuputulan ng power window fusible link. Na-trace ko yung problem sa power window auto switch na hindi bumabalik. (May auto-release yun pag tumaas ang current when the window is fully closed pero pag merong stuck up, iinit nang iinit hanggang sa yung fusible link na ang maputol). Solved the problem by having the switch assembly repaired.