help naman mga peepz,

old skul mirage oto ko.
battery is motolite maintenance free and is relatively new.
dati nang meron problema ang ignition switch ko so nilagyan ko ng push button switch. one click start ang resulta. no problem with this for years na.
meron din alarm. 10 months old. krypton ang brand.
power locks installed.
stereo head unit ay fujitsu 10 - yung galing ng honda.
aircon is working properly.

now eto problema:
just recently, nakakaexperience ako ng black out pag on ko ng ignition key, then push the start button. - as in totally dead. walang redondo, patay lahat pati mga gauge lamps (normally umiilaw yung mga gauge lamps pag on mo pa lang ng ignition). pati power locks di gumagana.

3 times na nangyari ito sa akin since last week. intermittent kung mangyari.. most of the time, wala akong starting problem. laging 1 click.

nung first time nangyari, kala ko nabasa lang yung electrical system ko kasi nagpa carwash ako.. so off ko agad, then open hood. tiningnan ko, la naman signs na nabasa yung loob. then pag subok ko ulit, start agad sya.

after a few days, eto na naman. pag start ko, biglang patay ulit lahat. (yung parang nag short na kuryente at naputukan ka ng fuse sa bahay) . off ko lang yung ignition key, then pag on ko, meron na ulit.

then this afternoon, ganun ulit. this time, the on and off thing did not work. i tried to use the remote key nung alarm to see kung mag aarm pero di nag respond. so i had to open up the hood again to check if there's really something's wrong with my battery. kumuha ako ng tool, para tanggalin sana yung positive wire sa terminal nun battery. nun pinukpok ko pa lang para mag loosen yung terminal, nag alarm yung oto. so pindot agad ako nun pang disable. gumana na ulit after that. nakapag start na ulit ako ng oto.

eto ang iba pang sintomas... pag nag dead sya, yung stereo ko ay nag rereset. meaning yung mga preset stations nabubura. pero ang ipinagtataka ko, yung clock sa dashboard di nagrereset. ganun pa din. sinubukan ko tanggalin yung positive battery terminal for about a minute nun ibinalik ko, yung clock di nagreset. 8:30 pa din yung oras. yung stereo, as usual na reset. huh??? ang gulo talaga. yung clock alam ko pag natanggal sa battery terminal balik sa 1:00 ung oras. wala naman internal battery yun.

ano kaya ang may problema sa oto ko?? i have a suspicion na baka yung alarm system ko ang nagkakaproblema. im sure di yung battery kasi ang lakas ng busina kahit kelan di naman nagbabago. pag walang topak napakadali naman mag start. yun lang pag nag dead sya, as in magpapanic ka kasi wala lahat gagana na kahit anong electrical. pati yung clock display nawawala. pero pag nagkaron na ng kuryente, di naman narereset yung clock.

baka meron sa inyong nakaexperience na ng ganitong problema, paki share naman.

note: walang mumu sa oto ko ha... wala naman nadisgrasya pa yun eh... hehehehhe