New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Results 1 to 15 of 15
  1. Join Date
    Mar 2011
    Posts
    44
    #1
    friends, yung car ko po sa umpisa everytime aalis ako sa umaga, pag ng-turn on ako ng switch pag pihit ko "tick" sound lang mangyayari. so ang gagawin ko turn off-turn on ko yung ignition for a couple of times, then saka palang sya mag-start.

    Hindi naman po siguro battery kasi kakapalit ko lang ng battery last month. And pag naka-on, ta-try ko buksan other electronics like wiper, radio, headlights, okay naman po, gumagana ng maayos. pero pag-turn ko sa ignition "tick" lang. pero again, after a few on/off, saka sya mag-ccrank at magstart.

    Ano po kaya ito? TIA

  2. Join Date
    Apr 2010
    Posts
    38
    #2
    Does it happen in the morning only? Have you starter checked, you might need to replace the carbon brushes or the solenoid.

  3. Join Date
    Apr 2008
    Posts
    33
    #3
    Pa check mo starter mo sir. Same issue with mine before, kelangan i-jumpstart lagi until I have my stater checked and repaired.

  4. Join Date
    Sep 2004
    Posts
    340
    #4
    if you hear a tick, your solenoid is good. 2 things to check further. starter carbon brush and ignition switch. check also the wiring and starter ground.

  5. Join Date
    Mar 2011
    Posts
    44
    #5
    *dobemarbia: sir actually medyo complicated nga po ang situation eh. kasi po minsan mgccrank pero nagcacrank sya ng matagal pero ayaw magstart. until ititigil ko. tapos bobombahin ko muna ng konti yung gas ng ilang beses then icacrank ko na lang ulit. sometimes naman, yun nga initial di sya magcacrank. until mag-on/off ako ng ilang beses.

    tingin ko magkaibang issue yung mgcacrank sya pero di nagsstart agad at yung di talaga nagcacrank. or pareho po itong starter?

    magkano po kaya aabutin kung:
    1. solenoid
    2. starter carbon brush
    3. ignition switch

    and magkano po kaya ang labor pag ganito?

    Thanks po ulit.

  6. Join Date
    Jan 2007
    Posts
    851
    #6
    Quote Originally Posted by ramziboy View Post

    nung nangyari sa akin yan (ondoyed starter) na tick tick lang, 1,500 siningil sa akin ng reys electrical... di ko mahanap receipt pero naka itemized yung mga ginawa... labor, reface armature ata yun, may isa pang item.... at least may ball park figure kana kung magkano.

    yung cranking pero hard starting baka kelangan na pa-tune up ng auto ninyo sir.

    replace sparkplugs, replace fuel filter etc

  7. Join Date
    Jun 2006
    Posts
    6,104
    #7
    Have you checked your fuel filter and pump?

  8. Join Date
    Mar 2011
    Posts
    44
    #8
    Quote Originally Posted by Horsepower View Post
    Have you checked your fuel filter and pump?
    actually di ko po alam pano icheck ang fuel pump. hehe. pwede po ba i-DIY ang check up nun?

  9. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    1,829
    #9
    sana maluwag lang sa battery terminals ang problema. go check it na!

  10. Join Date
    Nov 2008
    Posts
    43
    #10
    Makikisakay na rin sa thread, same problem din po yung sa kotse ko..

    Eto na yung napalitan ko:
    1. Battery
    2. New Starter
    3. Spark plug
    4. Fuel Filter

    Kaso ganun pa din minsan tick lang maririnig mo, minsan naman isang turn lang ng ignition key eh nag start na yung sasakyan.

    Balak ko na rin po palitan yung terminal ng battery.

  11. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    21,433
    #11
    Loose battery terminal. Re-tighten it.

  12. Join Date
    Mar 2011
    Posts
    44
    #12
    maraming salamat po sa mga ngreply.
    *zerocool:please inform us kung ano mangyayari sa kotse mo ha.

    kwento ko lang po yung nangyari kanina. nung papark na ko sa bahay. coming from work. namatay yung car. medyo kasalanan ko yun kasi ngkulang sa timpla ng clutch at gas, while parking sa may tapat ng bahay. tapos nung sstart ko na, ayaw na. wala na ding crank. pati mga LED indicators sa dashboard, patay lahat. then dahil mainit, bumaba na lang ako, at uminom muna ng softdrinks sa tapat na store. pagbalik ko, pag-on ko nagca-crank pero mahina. then off/on. pag pihit ko, totally dead wala na kahit crank or kahit tick wala na din. pero pag naghintay ako ng mga 10 minutes, magccrank na naman at mahina. pag inulit ko, patay ulit. what i did was tinulak ko na lang. mga 5 hakbang lang naman. at paggising ko after 5 hours, nung pumasok na ko sa office, ayun, nagstart naman sya ng maayos. hehehe. naguguluhan na ko.

    di ko naman po kasi mapa-check ngayon kasi coding. so baka sa MOnday na. But do you have any other thoughts? Or may na-confirm na ba kayo based sa kwento ko?

    Thanks nga po pala. Sobrang naaappreciate ko tulong nyo.

  13. Join Date
    Sep 2004
    Posts
    340
    #13
    Quote Originally Posted by zerocool1799 View Post
    Makikisakay na rin sa thread, same problem din po yung sa kotse ko..

    Eto na yung napalitan ko:
    1. Battery
    2. New Starter
    3. Spark plug
    4. Fuel Filter

    Kaso ganun pa din minsan tick lang maririnig mo, minsan naman isang turn lang ng ignition key eh nag start na yung sasakyan.

    Balak ko na rin po palitan yung terminal ng battery.
    baka not enough ground to the starter. try mo to, run a wire from the battery negative directly to the starter hold down bolt (yung bolt na naghold sa starter sa transmission). check also ignition switch.

  14. Join Date
    Sep 2004
    Posts
    340
    #14
    Quote Originally Posted by ramziboy View Post
    maraming salamat po sa mga ngreply.
    *zerocool:please inform us kung ano mangyayari sa kotse mo ha.

    kwento ko lang po yung nangyari kanina. nung papark na ko sa bahay. coming from work. namatay yung car. medyo kasalanan ko yun kasi ngkulang sa timpla ng clutch at gas, while parking sa may tapat ng bahay. tapos nung sstart ko na, ayaw na. wala na ding crank. pati mga LED indicators sa dashboard, patay lahat. then dahil mainit, bumaba na lang ako, at uminom muna ng softdrinks sa tapat na store. pagbalik ko, pag-on ko nagca-crank pero mahina. then off/on. pag pihit ko, totally dead wala na kahit crank or kahit tick wala na din. pero pag naghintay ako ng mga 10 minutes, magccrank na naman at mahina. pag inulit ko, patay ulit. what i did was tinulak ko na lang. mga 5 hakbang lang naman. at paggising ko after 5 hours, nung pumasok na ko sa office, ayun, nagstart naman sya ng maayos. hehehe. naguguluhan na ko.

    di ko naman po kasi mapa-check ngayon kasi coding. so baka sa MOnday na. But do you have any other thoughts? Or may na-confirm na ba kayo based sa kwento ko?

    Thanks nga po pala. Sobrang naaappreciate ko tulong nyo.

    sa case mo bro most probably dead battery na. pero kung 6 months to 1 year pa lang battery mo, pacheck mo yung alternator. and as bro boybi said, baka loose terminal lang.

  15. Join Date
    Mar 2011
    Posts
    44
    #15
    good day to all. medyo matagal bago ko nakapag-post ulit. medyo busy. bigyan ko lang po ng updates lahat.

    dinala ko sa reys yung oto ko and starter yung pinalitan nila. bale gumastos ako ako ng kulang P2,500. Pinalitan ata or inayos yung solenoid, armature, then nilagyan ng relay. Tapos P600 ang labor. Actually pinagawa ko pa yung cigarette lighter at brake lights ko P200 din labor dun. saka bumili ko ng bagong battery terminals sa kanila P200.

    one click start na nga pala ko ngayon. and may peace of mind na ko na mag-off ng engine pag naghihintay sa gilid gilid kasi alam kong mags-start sya agad. hehe.

    tama lahat ng sinabi nyo kahit yung battery daw humina kasi nga pag nagsstart sya at di matuloy, malakas daw magdrain ng battery ang start na di tumutuloy kaya kailangan pang maghintay ng matagal para makarecover, pero ang root cause ay yung starter at solenoid.

    thanks po mga sirs. sana wag kayong magsasawa sumagot sa mga tanong ng newbies na tulad ko. more power!

Hard Start - Tick sound lang pero walang crank