New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 2 of 2 FirstFirst 12
Results 11 to 15 of 15
  1. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    21,249
    #11
    Loose battery terminal. Re-tighten it.

  2. Join Date
    Mar 2011
    Posts
    44
    #12
    maraming salamat po sa mga ngreply.
    *zerocool:please inform us kung ano mangyayari sa kotse mo ha.

    kwento ko lang po yung nangyari kanina. nung papark na ko sa bahay. coming from work. namatay yung car. medyo kasalanan ko yun kasi ngkulang sa timpla ng clutch at gas, while parking sa may tapat ng bahay. tapos nung sstart ko na, ayaw na. wala na ding crank. pati mga LED indicators sa dashboard, patay lahat. then dahil mainit, bumaba na lang ako, at uminom muna ng softdrinks sa tapat na store. pagbalik ko, pag-on ko nagca-crank pero mahina. then off/on. pag pihit ko, totally dead wala na kahit crank or kahit tick wala na din. pero pag naghintay ako ng mga 10 minutes, magccrank na naman at mahina. pag inulit ko, patay ulit. what i did was tinulak ko na lang. mga 5 hakbang lang naman. at paggising ko after 5 hours, nung pumasok na ko sa office, ayun, nagstart naman sya ng maayos. hehehe. naguguluhan na ko.

    di ko naman po kasi mapa-check ngayon kasi coding. so baka sa MOnday na. But do you have any other thoughts? Or may na-confirm na ba kayo based sa kwento ko?

    Thanks nga po pala. Sobrang naaappreciate ko tulong nyo.

  3. Join Date
    Sep 2004
    Posts
    340
    #13
    Quote Originally Posted by zerocool1799 View Post
    Makikisakay na rin sa thread, same problem din po yung sa kotse ko..

    Eto na yung napalitan ko:
    1. Battery
    2. New Starter
    3. Spark plug
    4. Fuel Filter

    Kaso ganun pa din minsan tick lang maririnig mo, minsan naman isang turn lang ng ignition key eh nag start na yung sasakyan.

    Balak ko na rin po palitan yung terminal ng battery.
    baka not enough ground to the starter. try mo to, run a wire from the battery negative directly to the starter hold down bolt (yung bolt na naghold sa starter sa transmission). check also ignition switch.

  4. Join Date
    Sep 2004
    Posts
    340
    #14
    Quote Originally Posted by ramziboy View Post
    maraming salamat po sa mga ngreply.
    *zerocool:please inform us kung ano mangyayari sa kotse mo ha.

    kwento ko lang po yung nangyari kanina. nung papark na ko sa bahay. coming from work. namatay yung car. medyo kasalanan ko yun kasi ngkulang sa timpla ng clutch at gas, while parking sa may tapat ng bahay. tapos nung sstart ko na, ayaw na. wala na ding crank. pati mga LED indicators sa dashboard, patay lahat. then dahil mainit, bumaba na lang ako, at uminom muna ng softdrinks sa tapat na store. pagbalik ko, pag-on ko nagca-crank pero mahina. then off/on. pag pihit ko, totally dead wala na kahit crank or kahit tick wala na din. pero pag naghintay ako ng mga 10 minutes, magccrank na naman at mahina. pag inulit ko, patay ulit. what i did was tinulak ko na lang. mga 5 hakbang lang naman. at paggising ko after 5 hours, nung pumasok na ko sa office, ayun, nagstart naman sya ng maayos. hehehe. naguguluhan na ko.

    di ko naman po kasi mapa-check ngayon kasi coding. so baka sa MOnday na. But do you have any other thoughts? Or may na-confirm na ba kayo based sa kwento ko?

    Thanks nga po pala. Sobrang naaappreciate ko tulong nyo.

    sa case mo bro most probably dead battery na. pero kung 6 months to 1 year pa lang battery mo, pacheck mo yung alternator. and as bro boybi said, baka loose terminal lang.

  5. Join Date
    Mar 2011
    Posts
    44
    #15
    good day to all. medyo matagal bago ko nakapag-post ulit. medyo busy. bigyan ko lang po ng updates lahat.

    dinala ko sa reys yung oto ko and starter yung pinalitan nila. bale gumastos ako ako ng kulang P2,500. Pinalitan ata or inayos yung solenoid, armature, then nilagyan ng relay. Tapos P600 ang labor. Actually pinagawa ko pa yung cigarette lighter at brake lights ko P200 din labor dun. saka bumili ko ng bagong battery terminals sa kanila P200.

    one click start na nga pala ko ngayon. and may peace of mind na ko na mag-off ng engine pag naghihintay sa gilid gilid kasi alam kong mags-start sya agad. hehe.

    tama lahat ng sinabi nyo kahit yung battery daw humina kasi nga pag nagsstart sya at di matuloy, malakas daw magdrain ng battery ang start na di tumutuloy kaya kailangan pang maghintay ng matagal para makarecover, pero ang root cause ay yung starter at solenoid.

    thanks po mga sirs. sana wag kayong magsasawa sumagot sa mga tanong ng newbies na tulad ko. more power!

Page 2 of 2 FirstFirst 12
Hard Start - Tick sound lang pero walang crank