Update lang po. Dinala ko sa Honda SPA last Dec. 7. Lumitaw sa laptop/engine analyzer nila "sticky IAC valve", "faulty IAC valve". Estimate nila mga P17thou++ yung cost ng part wala pa labor. Nag try sila ng test part to make sure. This time wala na yung error code ng IAC valve pero ang lumabas naman sa laptop nila ay "faulty ECU". Estimate nila sa ECU (computer box) ay P78thou++.
Hindi naman nalubog sa baha pero nag try ulit sila ng test part ng ECU. Ay hindi pala, sinalpak nila yung ECU ko sa ibang Honda city dun at lumabas na wala naman naging problema yung test vehicle na pinagsalpakan so it means hindi sira ECU ko. Nakahinga ako ng maluwag.
Next they tried to suspect the fuel pump motor dahil nag test sila ng pressure at mahina na daw ang buga. Kutob ko fuel filter barado lang pero they insist na fuel pump motor daw talaga. Estimate nila sa part ay P21thou++. Wow mahal din at mas mahal pa sa IAC valve.
Nag hanap ako sa Banawe dun sa Multi Auto Parts near Security Bank na recommended ng friend ko who owns a large taxi fleet. Umabot din sa P13thou binayaran ko kasi dinamay ko na din yung AT support (worth P3,500) kasi sira (punit na) tsaka bumili na din ako ng air filter (P1,500) for my ford trekker (motorcraft ang brand). Ang sabi ng Honda SPA may surcharge daw sila na 20% of the cost of the part bought outside so dapat dala mo O.R. ng pinagbilhan mo ng piyesa. Palibhasa wala silang kinita sa parts nila pero at least nakatipid pa din ako. Same supplier din naman yung pinagbilhan ko, supplier din ng Honda.
Inaantay ko lang ma-deliver yung part. Balitaan ko kayo ulit.