Pag may gawa si jemson, magaling din yung electrician nya pang isa dun si Pony! Kabisado gagawin di nanghuhula pulido at malinis din. Nagpagawa ako kanina powerlock actuator, center console led lights, palit ballast hid hi beam, tapos pina modify ko pa alarm na hindi na sasabay fogs sa alarm lalu pag bukas pinto blink kasi ng blink mapupundi hid fogs sayang, kinalikot nya wiring ng alarm may linagay dalawang diode ayun ok na yung turn/park lights na lang sumasabay sa alarm. Lahat si pony lang gumawa helper nya si richard hehe, magilas tumrabaho two thumbs up din tulad ni jemson. Kung saan saan electrician ng mga accessories shop sa banawe at araneta ko na tinanong yung di sasabay fogs sa alarm ganun na daw talaga yun mahirap hanapin sa linya, e wala pa 15mins ginawa ni pony, good job! Mura pa siningil, ako na nahiya nagdagdag sa total ko.