New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines



Results 1 to 2 of 2
  1. Join Date
    Aug 2008
    Posts
    38
    #1
    Car Model. Toyota Corolla 1994 efi gli automatic

    Hi mga Gurus, After reading about grounding the car (the big 3) i decided to do it na last saturday. gumanda yung mga ilaw, mas maliwanag. kaso nagkaproblema ako. Tumaas yung idle, mukhang hindi na gumagana yung idle-up (actuator ko eh) gusto ko rin malinis yung IACV. san po ba nakalagay ito? ito ba yung naka dikit sa likod ng throtle body? na kulay itim?


    tia

    gremz

  2. Join Date
    Aug 2008
    Posts
    38
    #2
    UPDATE KO LANG HEHEHE.

    yung location pala nung iacv eh sa ilalim ng TB yung nasa gilid ay ang TPS.

    naging problema kasi eh ang idle pag bagong bukas eh umaabot ng 1300~1500 then pag normal operating temp na eh nasa 1000~1150.

    Di nako nakatiis kasi hindi rin ma adjust sa caltex * petron sagad naraw kasi yung screw sa TB. Last Friday, i decided na dalhin sa toyota north edsa. sinabi ko yung problema, kaso sobrang haba ng pila sa casa. sabi ng service tech balik ko nalang daw kinabukasan. that time dumaan yung isang technician inaalam ang problema. Reset ko nalang daw ECU muna. tinangal nya yung negative connection sa battery then tinangal yung iacv power supply then wait ko raw 15 mins. bago ibalik yung negative cable. pero yung iacv connection eh wag muna, then shift sa N, start. then idle for 10 mins.

    so binalik ko na yung neg cable, shift at N, start viola! nasa 1000 rpm then waited for 10 mins.ang rpm bumaba ng 800~900, do some revs hayun steady talaga sa range ng 800~850. shut off the engine, balik iacv, then start again, rpm back at range 850 do some rev pero balik range 850. turn on the aircon bumaba lang ng kaunti. hindi naman nagining makina. shift to R bumaba ang rpm pero ok pa rin rpm range 750~800, same with D. turn on all lights, wala nagbago, full swing left to right right to left ang steering wheel wala din nagbago, maya maya bumalik yung tech, ask kung ok na raw rpm sabi ko ok na. then rev nya bumalik sa 850. Balik ko nalng daw ulet para ma diagnose.

    So to make the story short pa hehehe, nagpasalamat nalang ako, inabutan ko ng isang boteng fundador na iniregalo din sa akin hehehe at pareho kaming nakangiti na nagpaalam sa isat isa . hehehe

    until today ok pa naman hehehe

    Merry Christma po sa lahat.

Iacv location