San po ba pwede pa ayos ung remote locking mechanism ng honda civic 2001 model? Pag linock/unlock ko kasi from remote hindi lahat nag eengage or nag disengage.
For example nag unlock ako ng doors. Ung rear passenger doors lang na uunlock ung driver and passenger naka lock parin. Minsan nag lo-lock/unlock naman lahat pag hindi sya tinotopak. Na-try na namin palitan ung battery ng remote pero ganon parin.
Yung sa passenger side mirror naman medyo stuck. Pinakingan ko gumagana naman yung motor di lang gumagalaw ung side mirror. Baka may DIY remedy for this?
Ano po kaya ung mga parts na kailangan i replace or repair dito? Para alam ko at di ako magoyo ng mga magugulang na masasamang loob. Hehehe
At san po recommendable magpa-gawa preferably sa banawe.