Problem ko po, nakailaw yung battery indicator sa dashboard ko kahit naka start na engine.
Ganito po kasi nangyari, inayos ko kasi yung wiring ng amp sound setup ko, kaso habang nakapatay engine, napagdikit ko yung positive at negative wiring ng papuntang amp, nagspark siya ng onti pero ok parin naman, tumutunog parin nung tinry ko. Sinundo ko asawa ko, di ko napansin kung nakailaw na yung batt indicator nun, pero mga halos 2.5hrs din akong nagdrive nun, 1hr dun naka-aircon pa ko at buong biyahe ko ginagamit ko yung sounds. Tapos nakauwi na ko ng bahay, after 30mins, umalis uli ako, kaso naka-on na lagi yung batt indicator. Nagdrive ako ng mga 15mins tapos chineck ko yung batt voltage, nasa 12.44v nalang. Normal niya naman ng naka-on ang makina, nasa 14v. So pinatay ko muna makina. After 3hrs, chineck ko uli, nasa 12.32v nalang, kaya nagdrive uli ako ng mga 15mins, tapos chineck ko uli voltage, nasa 12.2 nalang. tinry ko irev habang chinecheck yung reading kaso di tumataas yung voltage.
Tanong ko lang sana kung possible bang nasira ko yung alternator ko ng ganun ganun lang? or may fuse ba ang alternator na posibleng napasabog ko? or kung ano kayang tingin niyong prob nung wiring ko? TIA!


Reply With Quote
