Good day mga fellow tsikoteers!

Post ko din dito. Nagkamali ako ng post eh.

Nasira na kasi ang luma kong distributor. SO bumili na lang ako ng isang buong surplus distributor. Kaya lang nun ikakabit ko na, nun ko lang narealized na iba pala sya sa luma. Yun luma kc nasa loob ang ignition coil. Yun nabili ko nasa labas ang ignition coil. Di ko malaman ngayon kung saan at paano ko idudugtong sa dating wirings. Yun dati ko kc bale dalawa lang ang wires na kinakabitan. Isang positive at isang negative. Sure naman na sa GA13 engine din galing yun nabili ko.

Sana may makapagbigay ng wiring diagram. Wala kasi akong makita.

Di pa pinupuntahan ng mekaniko ko. Last week ko pa tinatawagan. Wala na ako ibang alam na mekaniko.

Baka meron kayo link or picture. Salamat po!