Mga masters pa tulong naman po.

Ano po ba ang regular engine temperature para mag function yung Temperature Sender?

Recently na sunog yung Heater Module sa Control Unit, dahil yung temperature sender ay dipala nag pa function ng ma a yus. Bali gumagana parin yung heater kahit uma andar na ang makina, at umi init ang dalawang malaking wire sa relay ng Control Unit, in fact medyo sunug na ang mga socket plug sa relay.
Pati ang glow plug ay tatlo ang busted at pinalitan ng bago ang apat.

So pinalitan ng surplus na Control Unit at saka Temperature Sender.
Ang problema, nag pa function lang ang Temperature Sender pag nasa pangalawang guhit na ang temperature nya. Ng inobserbahan ko kanina ng umaga naka idle ang engine mga 6 mins. Di parin tumataas yung temperature, na sa pinaka last o mababa na guhit lang, because of this umi init ang dalawang malaking wire sa relay ng Control Unit, kung kaya ito daw ang naging dahilan ng pag ka sunog ng IC sa lumang control unit. Pag pina patakbo na ang sasakyan it takes around 5 mins. bago pa mag function yung temperature sender, at this time nasa 2nd guhit na ang temperature at pata as na.
Pero pag ma init na yung makina sumasabay sa pag off ng glow symbol yung temperature sender, so nag tri trip yung relay.

Advise sa akin ng electrician ipatangal ko daw yung thermostat para continues daw ka a gad ang flow ng ma init na tubig sa makina at mag function ka agad ang Temperature Sender. Tama bato?

Ang worry ko lang baka masunog uli ang Heater Module sa Control Unit at ma sira agad ang glow plug, dahil medyo matagal bago umakyat sa pangalawang guhit ang temperature ng makina para mag function yung Temperature Sender (6 mins sa umaga pag naka idle ayaw parin, 5 mins pag tumatakbo na).

Tulong naman po mga expert.

TIA