Happy easter mga tsikoteers! Baka may nakaranas na ng ganitong problema sa car nila, patulong naman po. Car is an old school corona, runs great and starts up great pero lately may lumabas na isang problema. Minsan, randomly, wala siyang kahit anong power pag ikot ko ng susi, no dash lights, door open warning lights, dome lights, radio. Ang gumagana lang is hazards at headlights. Pag nangyayari ito sinisilip ko lang makina pero wala naman akong kinakalikot,pagkasara ko ng hood at pagbalik sa drivers seat, ayun may ilaw na ang door open warning at pag pihit ko ng susi may power na uli. Ngayon naman, habang umaandar ako at kahit anong bilis o bagal, randomly bigla na lang mawawala ng power uli sa dashboard lights pati na rin radio mag o-off na bigla ang siyempre stall na ang car, powerless na naman lahat at ang nagagamit ko lang is hazards at headlights. ano po kaya ang problema pag ganito. Dinala ko siya sa electrician at sabi baka ignition switch? Puwede kaya un? or something else? Thanks!