Mga Master tanong ko lang po kung saan nakakabili ng parts ng Alternator for Nissan Series III. Minsan po kasi yung battery lights ay umiilaw pag nasa trapik at sobrang init na ng engine compartment. Pag umilaw na yung battery light ay humihina narin aircon. Pag hininto ko naman at check ko yung voltage ay ok naman 13.6volts sa tester ko. Pag pinatay ko engine at pahinga lang ng konti ay wala na yung battery light. Intermitent po siya. Minsan di naman nailaw yung battery light, minsan naman ilaw lang ng few seconds tapos wala na. Pag malayo na natakbo ng oto at biglang na trapik ng matagal ay iilaw uli ng ilang segundo lang. Minsan naman ay walang ilaw sa battery light. Sinubukan korin tanggalin yung negative koneksiyon sa battery while engine is running at hindi naman namatay engine at check ko voltage 13.6volts. So may voltahe naman kahit may ilaw yung battery light. Then few seconds nawawala na yung battery light after kong tanggalin yung negative koneksyon sa battery. Parang intermitent sya. Ano po kaya ang problema ng alternator ko? baka po kaya sa carbon brushes? May alam po ako sa Electronic, so baka po kaya kong ayusin alternator ko kasi may electronic parts po sa loob. Saan po ba nakakabili ng alternator parts?
Nabasa ko po yung "Alternator DIY" ni sir Miked at malaki po ang maitutulong sa akin nun sa pag repair ng alternator ko. Thanks sir Miked! Saan po ba bilihan ng alternator parts?
Thanks in advance po sa makakatulong kung saan po nakakabili ng alternator parts at kung ano po talaga ang problem ng alternator ko. More power po sa lahat ng tsikoter....


Reply With Quote
